Latest News

Sina Manila Mayor Honey Lacuna at GABMC Director Dr. Ted Martin sa pagpapasinaya ng bagong infectious disease unit. (JERRY S. TAN)

Mayor Honey at Dr. Martin, pinasinayaan ang IDU ng GABMC

By: Jerry S. Tan

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapasinaya sa bagong Infectious Diseases Unit (IDU) sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) bilang paghahanda sa mga health emergencies at iba pang sakit tulad ng COVID-19 na nangangailangan ng espesyal na atensyon.

Kasama ni Lacuna si GABMC Director Dr. Ted Martin at Senator Manuel “Lito” Lapid na ayon kay Martin ay tumulong nang malaki para maipatayo ang nasabing unit.

Binigyang-diin ni Lacuna , na isa ring doktor, ang kahalagahan ng naturang IDU at sinabing ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) ay unang itinayo sa Sta. Ana Hospital bago pa manalasa ang COVID-19.


Ayon sa alkalde, ang MIDCC na pinatakbo sa ilalim ng pangangasiwa ni hospital director Dr. Grace Padilla, ay malaking papel ang ginampanan sa pagtugon ng pamahalaang- lungsod sa kasagsagan ng COVID, lalo na nung napakataas ng bilang ng mga tinatamaan nito.

Sa kanyang bahagi naman ay sinabi ni Dr. Martin: “Layunin ng proyektong ito na madagdagan ang kakayahan ng ating ospital na makapagbigay ng serbsiyo medikal sa mas nakararami pa nating mga kababayan sa panahon ng health emergencies tulad ng pagtugon sa sakit na COVID-19 at iba pang nakakahawang sakit.”

Idinagdag pa nito na ang inagurasyon ng IDU sa GABMC ay isa lamang sa serye ng mga gawaing inilatag ng GABMC kaugnay ng selebrasyon ng ika-25th anniversary ng ospital sa April 28.

Ayon kay Dr. Martin:“GABMC extends its gratitude to the Rotary Club of Bagumbayan – Manila R. I. District 3810 (Host Sponsor) and Rotary Club of Pohang – Eunhasu R. I. District 3630 (International Host Sponsor) for their generous donation of an Anesthesia Machine through the Rotary Foundation Global Grant for Disease Prevention and Treatment.”


Napag-alaman na ang nasabing ospital ay nagsagawa din ng ‘mass blood donation program’ na tinawag na “Dugong Bigay… Dugtong Buhay” na sinuportahan ng Philippine Blood Center.

“Layunin ng proyektong ito na makatulong sa ating mga kapatid na mga Manileño na may karamdaman at nangangailangang masalinan ng dugo tulad na lamang ng ating mga hemodialysis patients,” ayon kay Dr. Martin.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read