Si Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos, Sr. (gitna) kasama ang mga MACHRA members at media colleagues matapos mag-guest sa MACHRA Balitaan forum na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Maynila. (JERRY S. TAN)

MAYOR ABALOS, TAKOT MAKARANAS NG ISA PANG GIYERA

By: Jerry S. Tan

“MASARAP mamatay nang dahil sabayan pero sa sarap ng buhay, ayoko muna mamatay.”

Ito ang ginawang pahayag ni Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos, Sr., nang hingan ng reaksyon hinggil sa mga bagong kaganapan sa West Philippine Sea.

Sa ginanap na “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association sa Harbor View Restaurant ay tahasan nitong inihayag na ngangamba siya na mauwi sa giyera ang usapin sa West Philippine Sea.


“Dapat nating kilalanin na kailangan ng gobyerno na protektahan ang soberanya at lubhang lumalala na rin ang nagaganap na aggression sa pinagtatalunang teritoryo subalit ang tanong ay ‘can we afford to go to war,” anjya.

“As Filipinos, we have to protect our territories… kaya lang,tama din ba itong ginawa natin na instead na salubungin natin sila, ‘sige, subukan pa natin’… para sa akin sobra na ang aggresion. Ayungin is ours kaya lamang, nagkaron pala ngsecret agreement na di na tayo magdadala ng mga kasangkapan para i-repair yung ating barko dun,” anang alkalde.

Paliwanag pa ni Abalos na hindi maaring dumepende o panghawakan lamang ang tulong mula sa ibang bansa dahil sa posibilidad na maaring huli na pag dumating ang inaasahang tulong.

“ Pag nagbombahan yan, totoo meron tayong tulong na pwedeng asahan pero kailan? Baka wala na tayong lahat bago dumating ang mga Amerikano. Remember when MacArthur said “I shall return?” Four years after, devastated na tayo, lahat tayo mukhang Hapon na,” ani Abalos kasabay ng pagbabalik-tanaw ng kanyang naging karanasan nuong Japanese occupation na naganap sa pagitan ng 1942 at 1945 noong World War II.


“Akala ko Hapon na ‘ko eh kasi ang lengguwahe ko Hapon na sa tagal ng occupation. Baka mamaya, when assistance would come, wala na tayong lahat, annihilated na tayo,” ayon sa alcalde kaya natatakot umano siya sa panibagong digmaan.

‘Yung unang gyerang inabutan ko baril-baril lang ‘yan eh ngayon missiles na eh. Baka mamaya mapuno na tayo masyado, tulak na tulak na tayo, lalaban tayo, umpisa na ng giyera yan. Can we afford to go to war? I’m not worried about any other problems pero takot ako dito,” ani Abalos.

Tags: Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos, Sr.

You May Also Like

Most Read