Binuksan muli sa publiko ang “MayniLove” bilang Valentine’s day offering para sa mga magkakaibigan, pamilya at magsing-irog na naghahanap ng lugar kung saan maaring magdiwang ng ang ng Valentine’s day nang walang gaanong gastos..
Pangungunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang grand opening ng “MayniLove” sa Pebrero 6 ganap na alas- 5:30 ng hapon sa Mehan Garden, Ermita, Maynila.
Ang proyekto ay handog ng lungsod sa pamamagitan ng Bureau of Permits na pinamumunuan i Levi Facundo pati na ang local economic development and investment promotions office.
Napag-alaman na ang “Maynilove” ay binuksan sa publiko nitong Pebrero 3 hanggang Pebrero 17, 2023 mula alas- 4 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi subalit ‘soft opening’ lamang.
Ayon ka yFacundo , ang admission ay libre at ang lahat ng mga bibisita ay maaaring mag-enjoy ng fine dining experience sa murang halaga. Mayroon ding daily entertainment; ‘Wish 107.5 bus’ sa Pebrero 3, 6 at 10 na may live performances; food at gift items; flowers; chocolates; stuff toys; photo booths at daily giveaways.
“We also have “Puppy Love” for dog lovers and play pen for their fur babies plus more surprises from our partners,” dagdag ni Facundo.
Sinabi pa ni Facundo na ang mga dog owners ay maaaring magdala ng kanilang mga alaga, pero kailangang naka-diaper ang mga ito. Maari din naman nilang iwan ang kanilang mga alaga sa play pen ng libre, habang sila ay nag-iikot sa loob ng venue. Maaari ding tumingin at bumili ng tuta sa Maynilove.
May sorpresang regalo din sa mga ‘sweet couples’ na mapipili kapag sila ay nakunan ng litrato at may mga booths na nagtitinda ng mga street food sa loob ng venue, kasama ang mga live performers at Instagrammable spots. (JERRY S. TAN)