SA kauna-unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon, ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa ilalim ng liderato nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ay nakapasok sa National Level ng Seal of Good Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Napag-alaman na ito ang huling hakbang para makamit ang prestihiyosong pagkilala para sa kwalipikadong local government units (LGUs).
Ang nasabing karangalan ay ipinagkakaloob sa Manila LGU sa pagigiging mahusay, tapat at good governance na nakabatay naman sa mga sumusunod na criteria: efficient supervision and use of city funds; readiness during calamities and emergency situations; sensitivity to the needs of constituents specially the vulnerable sector like senior citizens, persons with disabilities (PWDs), women, youth and indigenous people (IPs);efficiency in business promotion; maintenance of peace and order in the communities at environment protection.
Sa kanyang State of the City Address (SOCA) kamakailan, iniulat ni Lacuna na ang Lungsod ng Maynila ay nakapagbayad na ng may P3 billion mula sa P17.8 pagkakautang na minana nito sa nakalipas na administrasyon.
Pagdating sa pangangalaga sa vulnerable sector, ipinatutupad ng lungsod ang social amelioration program (SAP) na naging posible dahil sa ordinansa na naipasa noong si Lacuna pa ang Presiding Officer ng Manila City Council, isang posisyon na kanya ring hinawakan bilang Vice Mayor ng Maynila.
Ang SAP ang siyang nagkakaloob ng monthly financial assistance sa mga senior citizens, solo parents, persons with disability (PWDs) at university students. Nang maging alkalde si Lacuna, maging ang minors with disability (MWDs) ay idinagdag bilang beneficiaries ng programa.
Maliban sa cash assistance na ibinibigay buwan-buwan, ang mga beneficiaries ng SAP ay pinagkalooban din ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamamagitan ng public employment service office (PESO).
Iba’t-ibang libreng pangunahing serbisyong pangkalusugan din ang ipinagkakaloob sa kanila tulad ng laboratory procedures, x-ray and ultrasound na makukuha din sa 44 health centers, maliban pa sa anim na district hospitals.
Sa kanyang bahagi ay pinasalamatan ni Lacuna ang DILG para sa pagkilala sa inisyatibo ng lungsod na pagkalooban ang mga Manileño ng buhay namas mabuti, mas de kalidad at may hinaharap.
Kinilala din ni Lacuna ang suporta at kooperasyon ng mga lokal na opisyal, mga kawani ng lungsod at sinabing ang mga karangalang inaani ng Maynila ay hindi mangyayari kung wala ang tulong ng mga ito.