Nagpahayag ng suporta si Mayor Honey Lacuna sa national government sa paglulunsad ng laban kontra tuberculosis, kasabay ng paglahok sa paggawa ng bagong world record para sa ‘largest lung human formation’ sa mundo.
Ang mga nasabing aktibidad ay kaugnay ng ‘observance’ ng World TB Day sa pangunguna ni health secretary Ted Herbosa nitong weekend, kung saan dumalo rin ang mga kinatawan ng iba’t-ibang organizations, Guinness World Records, United States Agency for International Development, World Health Organization at Philippines Business for Social Progress.
“We in the city government of Manila, express our solidarity as we renew our commitment in combating tuberculosis, a global health challenge affecting millions. Together, we pledge awareness, advocate for better healthcare access, and support research for improved treatments and prevention methods. Together, let us stand in solidarity with those affected by TB and strive relentlessly towards a world free from this preventable and treatable disease,” saad ni Lacuna sa kanyang maikling pananalita.
Maliban sa paggawa ng bagong world record, layunin din ng nasabing aktibidad na ginanap sa Luneta ang paglikha ng kamalayan tungkol sa tuberculosis at maalis ang stigma na iniuugnay sa mga nagkakasakit nito.
Samantala, sa pangunguna ng Department of Health ay nakagawa ang Pilipinas ng bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking human lung formation. Ito ay nang maitala ng bansa ang paglahok ng 5,596 katao na opisyal na binilang ng mga kinatawan ng Guiness World Records.














