Tinanggap ni Vice Mayor Yul Servo ang mga awards na nakuha ng Maynila sa ginanap na 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index awarding ceremony. (JERRY S. TAN)

MAYNILA, HUMAKOT NG PARANGAL SA 2024 CITIES AND MUNICIPALITIES COMPETITIVENESS INDEX AWARDS, 2ND OVERALL SA 33 LUNGSOD

By: Jerry S. Tan

MULI na namang humakot ng iba’t-ibang uri ng parangal ang Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Honey Lacuna, kasama na ang pagkakahirang bilang 2nd overall “most competitive highly-urbanized city” sa katatapos na 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index awards na ginanap sa Manila Hotel nitong August 23. 2024.

Ang Maynila ang siyang pinarangalann bilang 2nd overall mula sa kabuuang 33 highly-urbanized cities na nagtagisan sa DTI-sponsored awards.


Sa nasabing okasyon, si Lacuna ay kinatawan ni Vice Mayor Yul Servo na siya ring tumanggap ng nasabing karangalan para sa lungsod pati na ng marami pang iba.

Sa pagtanggap ng karangalan, sinabi ni Servo, na kasama si Project Development Officer IV Aimee Sarmiento, na ang pagkilalang iginawad sa lungsod ay isang katibayan lamang ng magagandang pangyayaring nagaganap sa kabisera ng bansa sa ilalim ng Lacuna-Servo administration.

Ayon kay Lacuna, ang malaking tagumpay na ito ay dala ng suporta, pagsisikap at dedikasyon ng lahat ng city officials, mga kawani, barangay leaders, stakeholders at mga residente, pati na din ang espesyal na suporta ng Manila City Council sa ilalim ng pamumuno ni Servo bilang Presiding Officer nito.


Ani Lacuna, ang mga karangalang tinatamo ng Maynila ay magsisilbing inspirasyon sa buong lungsod upang higitan pa ang magandang trabaho nito sa mga susunod na araw.

Ipinagmalaki ni Servo ang pagtanggap para sa lungsod ng Maynila, ng iba pang awards na binubuo ng sumusunod: ‘second most competitive in government efficiency’; ‘third most competitive in economic dynamism’ ; fourth in ‘innovation’ and ‘infrastructure’; 6th in ‘resiliency’ at ‘seventh most improved’ na pawang nasa ilalim ng ‘Highly Urbanized Cities’ category.


Sinabi pa ni Servo na ang Maynila, ay pangalawa rin pagdating sa ranking bilang ‘most intellectual property’ sa ilalim ng parehong kategorya, kung saan mahigit na 4,700 intellectual properties ang na-fille.#


Tags: Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Latest News