Sina Mayor Honey Lacuna at (ikalawa mula kanan) Vice Mayor Yul Servo sa ginanap na send-off ceremony para sa Nazareno 2025 kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Jan. 9, 2025. (JERRY S. TAN)

MAYNILA, HANDA NA SA PIYESTA NG BLACK NAZARENE AT TRASLACION, AYON KAY MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

“IT’S all systems go.”

Ito ang inihayag ni Mayor Honey Lacuna kaugnay ng nakatakdang pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene sa January 9, 2025. na katatampukan ng ‘Traslacion,’ isang prusisyon kung saan milyun-milyong deboto ang sumasama kada taon.


Pinangunahan ni Lacuna ang send-off ceremony nitong hapon ng Lunes, para sa mga ipakakalat na tauhan sa nasabing Araw ng Pista at ayon sa alkalde, “Isang direksyon lang po tayo at sundin lamang natin ang naayon sa ating mga nailatag na mga panuntunan. Gabayan at ingatan nawa tayong lahat ng Nuestro Padre Hesus Nazareno.”

Nasa nasabing okasyon din na ginanap sa Quirino Grandstand sina Vice Mayor Yul Servo, Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil, Manila Police District (MPD) Director PGen. Arnold Thomas Ibay at iba pa.

Ang mga dumalo ay pawang mga kawani ng PNP, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Armed Forces of the Philippines’ Joint Task Force NCR.


Binasbasan ni outgoing Quiapo Church vicar at ngayon ay Balanga, Bataan Bishop Rev. Fr. Rufino ‘Jun’ Sescon ang mga unipormadong kawani na naroon sa seremonya at pagkatapos nito ay tumungo na sila sa kani-kanilang duty para magbigay ng seguridad sa grandstand, kung saan naroon na ang imahe ng Poong Itim na Nazareno para sa opisyal na pagsisimula ng “Pahalik,” ngayong January 7 (Martes).

“Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong HesusNazareno ay malaking bahagi ng kultura at tradisyongPilipino lalo’t higit ng mga Manilenyo….di lang siya isang religious event kundi isang malaking tourism event na rin, dahil nakapang-hihikayat siya ng maraming tao mula sa labas ng Maynila at labas ng bansa upang pumunta at bumisita sa Maynila upang masaksihan ang mga kaganapan sa buong kapistahan, lalo’t higit ang mismong Traslacion,” pahayag ni Lacuna sa kanyang maiksing mensahe sa send-off ceremony.


“At dahil ilang milyong mga tao ang inaasahangdumagsa sa susunod na mga araw, mula mamayahanggang sa Huwebes dito sa may Quirino Grandstand at hanggang doon sa paligid ng simbahan ng Quiapo, inaasahan tayo ng Simbahan at ng buong sambayanan na ang pamahalaang- lokal ng Maynila at ang pamahalaang national, gayundin ang mga pribadong samahan ay tulong-tulong sa pagbibigay katiyakan na ang lahat ay magiging maayos at ligtas. Ilang buwan narin naman nating napaghandaan ang ating mga pinag-isipan, pinag-aralan at pinagplanuhang mga hakbang para sa ikatatagumpay ng pagdiriwang na ito para sa Poong Hesus Nazareno,” dagdag pa ni Lacuna.

Ang ‘Traslacion’ ay isang prusisyon kung saan aag 400-taong gulang na imahe ng Poong Itim na Nazareno ay inilalakad mula Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like