Sinampolan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang wafers na kasama sa gift boxes para sa senior citizens na kasalukuyang nakalagak sa Universidad de Manila, kasama sina (mula kaliwa) MDRRMO chief Arnel Angeles, city engineer Armand Andres, UDM President Felma Carlos-Tria, OSCA chief Elinor Jacinto, MTPB Consultant Dennis Viaje, MTPB chief Zeny Viaje at DPS chief Nicole Kayle Amurao. (JERRY S. TAN)

“May kalinga, may ginhawa, may saya ang Christmas sa Maynila” – Mayor Honey

By: Jerry S. Tan

KARAGDAGANG police visibility, dagdag na parking areas at city-wide gift-giving sa selebrasyon ng “May kalinga, may ginhawa, may saya” na Kapaskuhan sa Maynila.

Ito ang ilan sa mga plano na inilatag ni Mayor Honey Lacuna para sa siyudad ng Maynila simula sa unang linggo ng December bilang pagsisimula ng Kapaskuhan, kasabay ng pag-aanunsyo niya ng mga aktibiad kaugnay ng Kapaskuhan sa Maynila, kung saan itinatampok ang pamamahagi ng Christmas gift boxes sa 695,000 pamilya at 175,000 senior citizens, pati na rin ang ‘payout’ ng buwanang financial assistance para sa senior citizens, 16, 204 solo parents at 33,216 persons with disability (PWDs).

Inanunsyo din ng alkalde ang Grand Bazaar na gagawin sa Mehan Garden kasabay ng taunang Simbang Gabi na idaraos naman sa Kartilya ng Katipunan.


Iprinisinta din ni Lacuna ang mga laman ng gift boxes na ipamimigay, kasama si Vice Mayor Yul Servo kasabay ng pagpapasalamat sa “Pasko sa Maynila” team na siyang mamamahala sa pamimigay ng Christmas packs at allowances, na sina: chief of staff Joshue Santiago na siyang overall coordinator, department of public service Nicole Kay Amurao, Office of Senior Citizens’ Affairs chief Elinor Jacinto, social welfare chief Re Fugoso, tourism chief Charlie Dungo, City Engineer Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau chief Zeny Viaje and adviser Dennis Viaje at Manila Police District Commander Col. Arnold Thomas Ibay.

Sinabi ng alkalde na ang distribusyon ng gift boxes ay magsisimula ng December 1 hanggang December 12, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon na sasakop sa apat na distrito kada araw.


Partikular na binigyang direktiba ng lady mayor si Ibay at MTPB chief Zeny Viaje na siguraduhing ang trapiko sa mga lugar na itinuturing bilang shopping destinations para sa mas murang mga panregalo maging mga malls ay secured o walang ‘standstill traffic’.

Inanunsyo din niya ang pagtatalaga ng dagdag na parking spaces para magkaroon ng mas maraming lugar na mapaparadahan ang publiko ng kanilang sasakyan, partikular sa mga lugar ng Divisoria, Quiapo, Avenida, Blumentritt, Tutuban at Recto, maliban pa sa mga palengke at shopping malls.


“Ang tagubilin ko sa MTPB at MPD, sana diretso lang ang traffic sa Maynila dahil ito ang dinadayo ng mga tao para mamili ng mga Pamasko,” saad ni Lacuna.

Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read