Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga botante ng Maynila na pumili ng mahusay na barangay leaders. (JERRY S. TAN)

MANILENYO, HINIMOK NI MAYOR HONEY NA PUMILI NG TAMANG BARANGAY LEADERS

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga residente ng lungsod na pumili ng mahusay na kandidato nang hindi masayang ang boto.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan sa unang araw ng filing ng certificates of candidacy (COCs) para sa mga tumatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSK).

Sa kanyang maiksing mansahe, hinikayat ni Lacuna ang mga botante na bigyang kunsiderasyon ang karakter ng isang kandidato at kung ito nga ay seryoso sa public service.


Ayon kay Lacuna, ang papel ng isang barangay leader ay napakahalaga dahil sila ang tulay ng tao sa local government.

Bagamat ang city government ay direkta na kung minsan sa mga nasasakupan nito, ang barangay, ayon kay Lacuna, ang siyang tagapag-ugnay sa ‘grassroots level ‘ patungo sa iba’t-ibang departmento at tanggapan sa local government.


Binigyang- diin ni Lacuna na sa pamamagitan ng barangay authorities, ang city government ay nalalaman kung ano talaga ang tunay na kailangan at gusto ng tao sa usapin ng libreng basic services.

Sa kabilang banda, sa pamamagitan din ng barangay ay nakikipag-komunikasyon ang lokal na pamahalaan ng kanilang mga programa, bagong mga patakaran at gawain para sa mga residente.


Tiniyak din ng lady mayor na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang matulungan ang mga barangay na matamo nang husto ang kanilang hangarin na matulungan ang kanilang nasasakupan.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read