Latest News

Si Mayor Honey Lacuna habang nananawagan sa mga residente at barangay na panatilihing malinis ang paligid upang makaiwas sa dengue. (JERRY S. TAN)

MANILANS, PINAG-IINGAT LABAN SA DENGUE

By: Jerry S. Tan

Ngayong nagsisimula na ang mga pag-ulan, nagbabala si Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila kontra dengue, kasabay ng panawagang panatiliing malinis ang kanilang kapaligiran sa lahat ng panahon upang makaiwas sa nasabing sakit.

Nanawagan din ang alkalde sa lahat ng taga-Maynila na manatilng ‘hydrated’ o uminom ng sapat na tubig araw-araw.

Umapela din si Lacuna sa mga barangay na suportahan ang patuloy na city-wide cleanup drive na alinsunod sa Executive Order na ipinalabas niya na nagtatakda sa lingguhang cleanup day sa buong lungsod, simula sa City Hall at mga barangay at iba pang pampublikong lugar.


Sinabi ni Lacuna na bagama’t ‘Dengue Awareness Month’ ang buwan ng Hunyo at may mga probable at suspected cases ng dengue sa lungsod ay wala pa rin namang confirmed cases sa nakalipas na dalawang linggo.

Kaugnay niyan ay pinayuhan ng alkalde ang mga Manileño na sundin ang ‘5S Kontra Dengue’ na ipinalabas ng Department of Health— search and destroy, seek consultation self-protection, support fogging at sustain hydration.


Nanawagan si Lacuna sa mga residente na hanapin sa kanilang mga lugar ang mga kasulok-sulukan na puwedeng ‘breeding grounds’ o pugad ng mga amok na nagdadala ng dengue.

Kapag nakaramdam na ng sintomas, lalo na ng lagnat na di mawala ay kailangan umanong agad na magpa-konsulta.


Samantala, ang self-protection naman ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsusuot ng long-sleeved, dark garments, dahil ayaw umano ng mga lamok na may dalang dengue sa madidilim na kasuotan.

Bilang suporta naman sa fogging, sinabi ni Lacuna na maaring ipagbigay-alam ng mga residente sa kanilang mga barangay kung saan ang tukoy na pugad ng mga lamok para sa fogging operations.

Bilang panghuli ay hinikayat in Lacuna ang mga Manileño na panatilihing’ hydrated’ o may sapat na tubig ang kanang katawan, kung maari ay dalawang litro kada araw, dahil ang pagiging ‘well-hydrated’ ay nakatutulong umano bilang depensa laban sa dengue.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read