Kasama ni Mayor Honey Lacuna sina Vice Mayor Yul Servo at chief of staff Joshue Santiago bago ang flagraising ceremony kung saan pinuri at binati ng alkalde ang Manila Prosecutor's Office sa pagkilalang iginawad dito. Nasa likod na alkalde (kanan niya) si city security force chief Col. Ronaldo Santiago. (JERRY S. TAN)

MANILA PROSECUTOR’S OFFICE, BINATI AT PINURI NI MAYOR HONEY SA NAKUHANG PAGKILALA

By: Jerry S. Tan

PINURI ni Manila Mayor Honey Lacuna Manila Prosecutors’ Office (MPO) kasabay ng pagbati kaugnay ng natanggap nitong parangal kelan lamang bilang ‘Most Outstanding City Prosecutor’s Office’ sa Metro Manila.

“Isa lang ang ibig sabihin niyan.Napapatupad ng Manila Prosecutor’s Office ang tungkuling iginawad at inaasahan sa kanila hindi lamang ng mga Manilenyo kundi ng mga taong nagkakaroon ng kaso sa lungsod,” ayon sa alkalde.

Ang dahilan kung bakit kinilala ang MPO bilang most outstanding Prosecutors’ Office at ito ay ang mabilis nilang aksyon sa para resolbahin ang mga kasong hawak nila, dagdag pa ni Lacuna.


Aniya, siya mismo ay ilang beses nang naging saksi kung paano ang mga kawani at liderato ng MPO ay tumatanggap ng mga pagkilala at ito ay dahil na rin sa mabilis nilang pag-aksyon sa mga kasong na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

“Sabi nga, kapag nabibigyan ng aksyon ay nabibigyan na din natin ng hustisya ang mga nasasakdal at nagsasakdal,” ani Lacuna.


Sa kabila ng lahat ng ito, ang MPO ay patuloy pa rin umanong naghahanap ng paraan para makapagbigay ng mas mahusay pang serbisyo sa mamamayan.

Kaugnay niyan ay nanawagan ang alkalde sa mga residente ng lungsod at sa publiko na lumahok sa survey na ginagawa ng MPO para malaman ang ‘areas of services’ na kailangan pang pagbutihin.


Samantala, pinasalamatan naman ni MPO deputy city prosecutor Venus Marzan si Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson at City Administrator Bernie Ang sa kanila umanong tuloy-tuloy na pagtulong sa MPO sa lahat ng pangangailangan nito.

Tiniyak din ni Marzan na ang MPO ay patuloy na nagmo-monitor ng lahat ng nakabinbin na kaso sa kanila upang hindi ito matagalan pa.

“Ang mga kaso na nakalatag sa Manila City Prosecutor’s Office ay di nagtatagal. Ang kaso sa inquest within the day or the following day ay natatapos na ang information at pwede na magpiyansa ang nasasakdal,” ani Marzan.

Aniya, ang MPO ay nagsasagawa ng survery upang matukoy ang posibleng mga problema at malaman ang mga reklamo at suhestiyon para higit panng mapagbuti ng MPO ang serbisyo nito sa mamamayan.

Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like