Tumanggap ng parangal mula sa prestihiyosong ang award-giving body ang Manila Clock Tower Museum.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang museum ay ginawaran ng Golden LEAF Presidential Awardee ng ‘Philippine LEAF Awards Tertulia at Parangal 2024’.
Nabatid na ang Philippine LEAF Awards ay kumikilala at nagpaparangal sa integridad, pagiging malikhain at husay sa Philippine live entertainment, performing arts, fashion at festivals.
Ang ‘LEAF Awards Tertulia at Parangal’ ay nakatakdang gawin ganap na ala-1:00 ng hapon sa Pebrero 8, 2024, na isang red carpet event sa iconic Manila Metropolitan Theater.
Nagpasalamat naman si Lacuna sa lahat ng mga nasa likod ng parangal.
Ipinagmalaki rin niya na noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang iconic Manila Clock Tower Museum ay kinilala ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) bilang grand winner sa MGM 2023 AVP Museum Competition.
Tinalo ng kauna-unahang clock tower museum sa bansa ang lahat ng iba pang local government museums sa nasabing timpalak na ginawa noong Oktubre 6, 2023.
Ang Manila Clock Tower Museum, na natapos noong 1930, ay dinisenyo ng Filipino Neoclassical artist at architect na si Antonio Toledo.
Ito ay matatagpuan sa loob ng Manila City Hall at tuwing weekdays, mula 10:00 a.m.hanggang 5:00 p.m.
Makikita sa clock tower museum ang makulay na kasaysayan ng Maynila, gayundin ang modern art galleries na mayroong laging bagong art exhibits.
Ito ay nakatayo sa halos 100 talampakan at itinuturing na pinakamalaking clock tower sa bansa.














