Latest News

Pinuri ni Mayor Honey Lacuna si Manila Civil Registry Office chief Encar Ocampo sa digitization ng records mula 2019 hanggang kasalukuyan. (JERRY S. TAN)

MANILA CIVIL REGISTRY RECORDS MULA 2019 HANGGANG KASALUKUYAN, DIGITIZED NA

By: Jerry S. Tan

DIGITIZED na ang records ng Manila City Civil Registry Office (MCCRO) mula 2019 hanggang kasalukuyan.

Ito ang ipinagmalaki ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes, kasabay ng pahayag na matagumpay na nakapagsagawa ang MCCRO, sa pamumuno ni Encar Ocampo, ng digitization ng kanilang mga records mula 2019 hanggang kasalukuyan, habang plano na rin umano ng nasabing tanggapan na i-digitize na rin ang mga rekords nito mula 2019 at pababa naman, upang mas maging mabilis at madali na ang paghahanap ng mga records na kailangan ng mga residente.

Napag-alaman kay Ocampo na bukod sa birth certificates, death certificates at marriage certificates, nasa ilalim din ng pangangalaga ng kanyang tanggapan ang mga court decrees hinggil sa annulment, adoption, legitimation, correction of entries, acknowledgement, pre-nuptial at oaths of allegiance.


Tiniyak din niya na nasaproseso na ng pag-digitize ng 2019 records pababa ang kanyang tanggapan pero sa kasalukuyan ay nakapag-scan at index na sila ng records para mas madaling hanapin ang mga kailangan ng isang nagre-request ng kopya.

Ani Lacuna, malaking tulong ang digitization ng mga records dahil kaagad nang makakakuha ang kliyente ng certified true copy (CTC) ng record na kanyang hinahanap, sa sandaling ma-verify ito ng MCCRO.


Sa ganitong paraan, aniya, ay hindi na kailangan pang magpabalik-balik sa city hall ang kliyente.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read