Latest News

Si Manila Mayor Honey Lacuna kasama sina (mula kaliwa) Director-General Jeremy Barns ng National Museum, Vice Mayor Yul Servo Nieto at Manila tourism chief Charlie Dungo, sa ginanap na 'unveiling' ng marker na nagdedekladra sa Manila City Hall bilang 'important cultural property.' (JERRY S. TAN)

Manila City Hall, idineklarang “important cultural property” ng National Museum

By: Jerry S. Tan

Matapos ang mahabang panahon ay idineklara na rin bilang isang ‘important cultural property’ ng National Museum of the Philippines ang iconic building ng Manila City Hall nitong Lunes.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan mismo nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto, kasama sina National Museum of the Philippines Director-General Jeremy Barns, Deputy Director General for Administration Atty. Ma. Rosenne Flores-Avila, Deputy Director General for Museums Jorell Legaspi, National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Emmanuel Calairo, at Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Dun~go.

Sa nasabing aktibidad, nagpahayag ng labis na kagalakan si Lacuna sa National Museum dahil sa pagkakaloob ng marker na nagdedeklara sa gusali ng Manila City bilang “Important Cultural Property.”


Aniya, ito ay pagpapakita ng mga Filipino ng kanilang pagtanggap sa kultural at makasaysayang halaga ng tanyag na gusali.

“This will further strengthen the efforts of our local government to strive for progress and development, yet we have that capability to preserve and protect our character as a city rich in heritage and teeming with historical and cultural value,” anang alkalde.

Tiniyak rin ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay patuloy na makikipagtuwang sa National Museum, National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines, kabilang na ang Department of Tourism, sa hangarin nitong maisulong, mapreserba at maproteksyunan ang pamanang ito ng Maynila at ng bansa.

“Naniniwala tayo na sa pagsisikap nating gawing isang Maringal na Lungsod ang Maynila, isang bahagi nito ang paglingon sa mahahalagang bahagi ng ating nakaraan. Kailangang magsilbing inspirasyon natin ang mga aral ng kasaysayan at sama-sama tayo kumilos at isulong ang pagpapataas ng antas ng ating pagiging lungsod,” aniya pa.


Dagdag pa ng alkalde, “We will be a strong city, whose strength lies in the appreciation of lessons taught by our history.”

Aniya, napapanahon ang paggagawad ng marker sa city hall dahil ito ay natapat sa selebrasyon ng buwan ng turismo.

“Buong galak nating tinatanggap ang isang marker o pananda para sa ating gusaling pamahalaan ng Maynila bilang katangi-tangi at makabuluhang lugar na dapat bisitahin at pasyalan, di lamang ng mga turistang galing sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, kundi maging ng mga turista mula sa iba’t -ibang panig ng mundo,” pahayag pa ni Lacuna.

Ayon pa sa alkalde, ang Manila City Hall na nakumpleto noong 1941 ay pamosong gusali na simbolo ng lakas at tatag ng Manilenyo bukod pa sa nagsisilbing saksi sa mayamang kasaysayan ng lungsod.


“Magpahanggang ngayon, itong Manila City Hall ay nagsisilbing mahalagang imahe ng kapitolyo ng ating bansa,” dagdag pa ni Lacuna.

Tags:

You May Also Like

Most Read