IPINAGDIWANG nitong Lunes, July 31, ang ika-122 taon ng Manila City Council (MCC) kung saan ginawaran ng parangal at pagkilala sa nasabing okasyon ni MCC Presiding Officer Yul Servo-Nieto na siya ring Vice Mayor, ang mga kasalukuyan at dating miyembro ng konseho dahil sa kanilang natatanging ginawa, dedikasyon at makulay na karera na umusbong mula nang sila ay maging miyembro ng konseho.
Nanguna sa binigyang parangal si Manila City Administrator Bernardito “Bernie” Ang, na nagsilbi bilang Manila Third District Councilor sa mahabang panahon o katumbas ng 25 taon. Nagsilbi din siya bilang Secretary to the Vice Mayor bago naging Secretary to the Mayor sa administrasyon ni Mayor Isko Moreno at ngayon ay kasalukuyang City Administrator sa ilalim ng Mayor Honey Lacuna administration.
Kilala si Ang sa napakaraming ginawa at kabilang na dito ang pag-akda ng Local Tax Code of Manila at pangunahing nag-akda rin ng city ordinance na siyang lumikha sa City College of Manila na ngayon ay Universidad de Manila.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Servo-Nieto ang kanyang mga ‘mentors’ at espesyal na binanggit ang pangalan nina Ang, Lacuna, Moreno at dating Vice Mayor Danilo Lacuna na tumulong sa kanyang karera sa pulitika.
Pinagkalooban din si dating Vice Mayor Danilo Lacuna, ama ni Mayor Honey Lacuna, ng “Dangal ng Konseho Award” bilang pagkilala sa ilang dekadang paglilingkod bilang miyembro at Presiding Officer ng MCC at dahil din sa kanyang “compassionate leadership that steered the city council to greater heights, producing measures that redounded to the benefit of a great number of Manilenos and his exemplary performance worthy of emulation by future generation of public servants”.
Ang kanyang mga anak na sina Councilors Dr. Lei Lacuna at Philip at zoning chief Dennis ang tumanggap ng karangalan para sa kanilang ama.
Ang iba pang awardees na kinilala dahil sa kanilang mga ginawa sa unang taon ng 12th City Council ay kinabibilangan nina: MCC Majority Floorleader Atty. Ernesto “Jong” Isip, Jr. dahil sa pinakamaraming bilang ng draft ordinances at draft resolutions gayundin sa pag-aakda ng mga naaprubahang ; Councilor Salvador Philip Lacuna sa pag-aakda ng pinakamaraming ordinansang naaprubahan ; Councilor Irma Alfonso-Juson sa paghahain ng pinakamaraming draft ordinances; Councilor Numero Lim, sa pinakamaraming naihaing draft resolutions at naaprubahang resolutions at may pinakamaraming inaakadang ordinansa; Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual sa pag-aakda ng pinakamaraming ordinansang naaprubahan at may pinaka-best record sa attendance at sina Councilors Martin Isidro, Jr. at Nino dela Cruz, para sa best record in attendance.
Tumanggap naman sina Congressmen Ernesto Dionisio, Jr., Rolando Valeriano, Joel R. Chua, Edward V.P. Maceda, Irwin Tieng and Bienvenido Abante, Jr., ng karangalang “Distinguished Legislator of Manila” bawat isa at ito ay dahil sa natatanging paglilingkod sa MCC nang sila ay mga Councilors, tungo sa kanilang pagkakahalal sa House of Represenatives kung saan itinutuloy nila ang paglilungkod ng may dangal.
Tinanggap naman ni Justice Jhosep Lopez received “Timbulan ng Laya Award” sa kanyang kahusayan sa larangan ng batas at hustisya nang siya ay city councilor pa, at ito rin ang nagbunsod upang matalaga siya sa kanyang kasalukuyang posisyon sa Supreme Court.
Ang mga ginawaran naman ng “Perlas ng Konseho” dahil sa kanilang maraming taon sa MCC bilang miyembro ay sina dating Councilors Re Fugoso, Robert Ortega, Jr. at Marlon Lacson, na nagsilbi nang 18 taon. Si Fugoso ang kasalukuyang hepe ng Manila social welfare department habang si Lacson ang secretary to the mayor.
Sina Deputy city administrator Jocelyn Dawis-Asuncion at Manuel “Let Let” Zarcal ay binigyan din ng karangalan dahil nakapaglingkod sila sa MCC sa loob ng 21 taon.
Ang pagtitipon ay ginawa sa Ayuntamiento de Manila sa makasaysayang Intramuros at dito ginagawa ang Manila City Council noong panahon ng Kastila.