Personal na inalam ni Mayor Honey Lacuna ang kondisyon ng nasusunog na Manila Central Post Office. Kasama niya sina (kaliwa) chief of staff Joshue Santiago, (kanan) Manila City Fire Marchal Supt. Christine Cula, (sa likod ni Lacuna) Vice Mayor Yul Servo at barangay chairperson Evelyn de GuzmaN. (JERRY S. TAN)

MALISYOSONG TSISMIS UKOL SA SUNOG SA POST OFFICE, BINASAG NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Blangkado kay Manila Mayor Honey Lacuna ang mga malisyosong tsismis na ikinakalat sa social media na kaya nasunog ang Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila ay dahil sa plano umanong pagtayuan ng shopping mall o condominium ang nasabing lugar na nasunog

Sa kanyang pahayag sa FB live, sinabi ni Lacuna na ang post office ay isang national government property at nasa institutional zone, na ang ibig sabihin, ang naturang lugar ay para lamang sa mga tinatawag na ‘institutional’ na gusali tulad ng offices, schools, public govt buildings, religious buildings at iba pang gaya nito.

“Under the city’s zoning ordinance (Ordinance 8119), said site is designated as a heritage overlay zone. More than that, the National Historical Institute and the National Museum have already put up a marker (plaque) on the post office, making it an officially protected site,” paliwanag pa ni Lacuna.


“Sa mga nagaagam-agam na baka sakali ay may ibang gustong ipatayo, ‘wag kayong mag-alala. Ang lugar po kung saan nakatayo ang Manila Central Post Office ayon po sa aming zoning ordinance ay isang institutional zone pero liban pa po doon, ito ay idineklara noong 2018 ng national museum bilang important cultural property na ibig sabihn lamang po, ang NHI ay dineklara ang buong lugar bilang isang heritage zone,” dagdag pa ng alkalde.

“Kapag ganito, di na maaring patayuan ng kahit anumang gusali maliban sa post office, dun sa lugar na ito. Ibig sabihin, protektado ng zoning ordinance na kahit pamahalaang-lungsod o national government ay di maaring magpatayo ng anumang infrastructure maliban sa post office. It is protected and you cannot demolish or build anything else on it,” ayon pa kay Lacuna.

Personal na binisita ni Lacuna ang pinangyarihan ng sunog, kasama sina barangay chairperson Evelyn de Guzman, chief of staff Joshue Santiago, Vice Mayor Yul Servo at City Fire Marshall FSupt. Christine Cula at doon ay tiniyak nito na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay tutulong sa national government, bagamat ang MCPO ay national government property, para sa ‘restoration’ at ;rehabilitation’ ng nasabing national treasure sa lalong madaling panahon.

Batay sa impormasyong pinarating sa kanyang tanggapan, sinabi ni Lacuna na ang mga nagtatrabaho sa nasunog na gusali ay lilipat muna sa kanilang foreign mail distribution center sa Delpan.


Umaasa umano ang alkalde na ang MCPO ay muling makapagpapatuloy ng normal na operasyon sa mga darating na araw. Itinatayang nasa P300 million ang halaga ng napinsala sa naturang sunog.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read