Latest News

Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna (ikalima muila kaliwa) ang serye ng aktibidad sa pagdiriwang ng 430th anniversary ng Manila Chinatown sa isang lighting ceremony ng Money Tree, kung saan sinamahan siya ng mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni (gitna, nakaupo) City Administrator Bernie Ang. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) MCBO chief Jefferson Lau, Justice Abad Santos General Hospital chief Dr. Merle Sacdalan, DOT- NCR Regional Director Sharlin Batin (kanan ni Lacuna), MCDC Exec. Director Willord Chua (kaliwa ng alkalde), Councilor Tol Zarcal, Congressman Atty. Joel Chua (3rd district) at Councilors Maile Atienza, Fa Fugoso, Atty. Jhong Isip at Terrence Alibarbar. (JERRY S. TAN)

MALAKING MONEY TREE, PINAILAWAN SA HARAP NG BINONDO CHURCH

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang serye ng aktibidad para sa pagdiriwang ng 430th anniversary ng Manila Chinatown, na sinasabing pinakamalaki at pinakamatandang Chinatown hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng malaking ‘Money Tree’ o ‘Prosperity Tree’ sa gitna mismo ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa harapan ng Binondo Church

Kasama ng alkalde sina City Administrator Bernie Ang, Congressman Joel Chua (3rd district), Manila Chinatown Development Council Executive Director Willord Chua, Manila Chinatown Barangay Organization President Jefferson Lau, Manila third district Councilors Fa Fugoso, Tol Zarcal, Terrence Alibarbar, Maile Atienza at Atty. Jhong Isip, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila chief Charlie Dungo, City Engineer Armand Andres and City Electrician Randy Sadac, at iba pa sa pagpapailaw ng Money Tree.

Ang okasyon ay kinatinampukan din ng traditional eye-dotting ceremony ng makukulay na mga leon sa pangunguna ni Lacuna, Ang at Chua, bago pa mag-lion dance. Ang nasabing seremonya ang huling hakbang bago magising Leon at bigyan ng kapangyariha


Ito ay sinundan ng pagpapailaw ng malaking ‘money tree’ at makulay na fireworks display

Sa kanyang maiksing talumpati, binanggit ni Lacuna ang papel na ginampanan ng Manila Chinatown sa nakalipas na mga taon at kung paano nito tinulungan ang Maynila para maging must-see destination sa bansa ng mga local at foreign tourists.


Pinasalamatan ng alkalde ang Chinese-Filipino community members sa kanilang di mapapantayang suporta sa programa na inilunsad ng kanyang administrasyon patungo sa ‘Magnificent Manila’ sa 2030.

Ayon pa kay Lacuna, ang lighting event, na siyang kauna-unahan sa Maynila, ay nagtatampok din sa makulay na kasaysayan at kultural ng ‘Chinoys’ at ang kanilang ambag sa kabuuang progreso ng Maynila, gayundin sa buong bansa.


Si City Administrator Ang na siyang pinakapuno ng mga nakalinyang actvities para sa selebrasyon, ay pormal na inanyayahan ang publiko na bisitahin ang Manila Chinatown na ayon sa kanya ay malayo na ang narating simula nang itatag ito noong 1594 patungo sa pagiging isang vibrant business district sa kasalukuyan.

Sinabi ni Ang na ang grand celebration ng Manila Chinatown’s 430th anniversary ay gagawin sa pamamagitan ng serye ng festive activities na magtatapos sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa kanyang banda, ibinahagi ni Chua ang kahalagahan ng Money Tree bilang isang feng shui symbol na tradisyunal na ginagamit bilang lunas sa pag- stimulate ng daloy ng pera o mas umunlad pa ang kabuhayan, dahil pinaniniwalaan na ito ay nakaka-attract ng positive energies na magdadala ng yaman, swerte, good health, peace, good fortune at kasaganahan sa isang tao o lugar.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like