Namahagi si Manila Mayor Honey Lacuna ng tig -P10,000 pinansiyal na tulong kada pamilyang biktima sa may 10 sunog na naganap sa Lungsod.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng alkalde ang publiko na maging maingat dahil ang buwan ng Marso ay “Fire Prevention Month.”
Ayon kay Lacuna, ‘di man kalakihan ang cash aid ng city government, ito naman ay makakatulong upang sila ay makapagsimulang muli ng kanilang buhay.
Kasama ni Lacuna si Manila department of social welfare chief Re Fugoso, na tumulong sa alkalde sa pamimigay ng financial assistance sa 231 pamilya. Sila ay tumanggap ng P10,000 bawat isa para sa kabuuang P2.3 milyon.
Napag-alaman na ang mga tumanggap ng ayuda ay ang mga nasunugan sa pagitan ng Pebrero 23 hanggang Marso 13,2023. (JERRY S. TAN)