Latest News

Kasama ni Mayor Honey Lacuna ang mga senior citizens sa Manila, habang ipinanawagan sa mga taga-Maynila na parangalan at mahalin ang mga lolo' at lola. (JERRY S. TAN)

MAHALIN AT PARANGALAN ANG MGA LOLO AT LOLA — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

“YAKAPIN ninyo, halikan at mag-‘I love you’ ang inyong mga lolo at lola”.

Ganito ang ginawang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga residente na kapiling pa ang kanilang mga lolo at lola sa ngayon, dahil aniya, sila ay mapalad kung tutuusin.

Ani Lacuna, kaisa siya ng lahat ng taga-Maynila sa pagdiriwang ng ‘Grandparents’ Day’ at sa pagbibigay-pugay sa mga senior citizens na ibinigay ang malaking bahagi at kalakasan ng kanilang buhay sa pagpupunyagi na magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya, mga anak, mga apo at makapag- ambag din sa progreso ng lungsod.


“If our lolo and lola are still with you, show them how much you love them. Pay them a visit, hug them, kiss them, shower them with care,” pahayag ni Lacuna.

“In fact, everyday should be grandparents’ day. We owe a lot to them,”dagdag pa ng alkalde, kasabay pag pagbibigay-diin sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga lolo at lola sa bawat pamilya.

Dagdag pa ni Lacuna: “Being the matriarchs or patriarchs, our grandparents are the best source of our wisdom and guidance.”

Sa mga may hanapbuhay na, nanawagan si Lacuna na pasayahin ang kanilang mga lolo at lola sa pamamagitan ng paglibre sa kanila at pagreregalo kahit munting bagay lang.


Sa mga walang trabaho o wala pa nito, sinabi ng alkalde na ang pagbibigay ng greeting cards na kanilang sariling gawa sa kanilang mga lolo at lola ay sapat na para magbigay kaligayahan sa kanila.

“Honoring them is the least that we can do. We should not neglect them just because they are no longer as useful as they used to be,” paalala pa ni Lacuna.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read