Si Mayor Honey Lacuna na nanawagan sa mga taga-lungsod na gamitin ang Holy Week para magnilay-nilay, magdasal at mag-reboot. (JERRY S. TAN)

MAGDASAL, MAGPAHINGA AT MAG-REBOOT SA SEMANA SANTA – MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Ipinayo ni Mayor Honey Lacuna sa mga taga-Maynila na gamitin ang kanilang Holy Week vacation para sa pagdarasal, pagninilay-nilay, pahinga at reboot.

“Sa darating na Semana Santa ay mabibigyan tayo muli ng pagkakataong makapagnilay-nilay. Gamitin po natin ito upang makapag-reboot, makapagpahinga, makapagdasal, makapag-isip, nang sa gayon, pagbalik natin ay handang-handa na tayo para muling maglingkod sa ating mga kapwa Manilenyo,” ani Lacuna.


Ayon sa alkalde, maaring gamitin ng mga opisyal at kawani ng City Hall ang bakasyon upang makapag-reboot upang higit pang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga Manilenyo.

“Tayo lamang ang inaasahan ng ating mga kababayan kaya sana po ay gampanan natin ang ating mga tungkulin nang wasto,” saad pa ni Lacuna.

Samantala, pinangunahan ni Lacuna ang 3rd Manila Women’s Summit sa Open Air Auditorium sa Rizal Park nitong Martes sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang organisasyon sa lungsod.


Kasama niya sa nasabing aktibidad sina Manila Department of Social Welfare Officer-in-Charge Re Fugoso, National Parks Development Committee Chief of Administrative Division Rena Jara at Chairperson of Committee on Women and Family Relations Coun. Krystle Marie Bacani.

Nagkaroon din ng interactive talk sa kahalagahan ng kababaihan sa kapaligiran kung saan sina Department of Public Services OIC Kayle Nicole Amurao, Environmental Activist Dr. Noemi Lachica-Licuanan at Aling Tindera beneficiary Lorme Villarba ang nagsilbing host.


Dinaluhan ng may 1,000 katao mula sa iba’t-ibang organisasyon ang nasabing event.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like