Latest News

Si Mayor Honey Lacuna sa pag-ikot sa bagong Vitas slaughterhouse kasama sina (mula kanan) Councilors Terrence Alibarbar, Fa Fugoso at VIB chief Dr. Nick Santos.Nasa likurang bahagi (kanan ng alkalde) sina Councilors Nino dela Cruz, Marjun Isidro at City Engineer Moises Alcantara. (JERRY S.TAN)

MAGANDANG BALITA SA MGA MAY ALAGANG ASO, PUSA

By: Jerry S. Tan

Isang pet clinic and animal shelter ang binuksan ni Mayor Honey Lacuna sa Vitas, Tondo para makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga may alagang aso at pusa, kasabay ng pagpapasinaya sa isang bagong katayan kung saan makakatiyak ang lahat ng mga mamimili ng malinis at ligtas na mga karne.

Ang nasabing mga pasilidad, ayon sa alkalde, ay pawang mahalaga sa mga fur parent .at mga residente ng lungsod na kumukunsumo ng karne araw-araw.

Ayon kay Lacuna, ang bagong Animal Shelter and Pet Clinic ay layuning tulungan ang mga may alagang aso at pusa.


“Batid ng marami na ang pagkakaroon ng pet ay magandang stress reliever. Totoong nakakatanggal ng pagod kapag pag-uwi mo sa bahay ay sasalubungin ka ng masaya at aktibong alaga mong hayop. Sabi nga po, mas masarap pa minsan na kasama ang alagang hayop dahil mas loyal pa silang kaibigan,” saad ni Lacuna, na may alagang 15 aso.

Kaugnay niyan ay nanawagan si Lacuna sa lahat ng residente ng Maynila na alamin ang mga responsibilidad kapag bumibili o tumatanggap ng alagang hayop.

Aniya, ang mga alagang hayop ay maaaring dalhin sa clinic/ shelter kung saan sila maaring maalagaan at mabigyan ng libreng medikal na atensiyon.

Maliban sa x-ray, laboratory at surgery rooms, ang facility ay nagbibigay din ng pet grooming.


Sinabi din ni Lacuna na ang nasabing animal shelter ay magsisilbing city pound kung saan maaring dalhin ang mga asong palaboy.

Samantala, sinabi ng alkalde na ang bagong katayan o slaughterhouse ay ” tinuturing na bahagi ng ating food supply chain ay planta kung saan pinoproseso upang maging karne ang mga hayop tulad ng baboy at baka na kalaunan ay maaaring kainin ng mga tao. Sa pagkakaroon ng malinis at maayos na slaughterhouse ay mabibigyan tayo ng katiyakan na de-kalidad din ang mga karne na madadala sa mga pamilihan dito sa ating lungsod.”

Idinagdag pa ng alkalde na: “Inaasahan natin ang masusing pagsusuri na gagawin ng ating veterinary inspectors sa ilalim ng ating VIB na pinamumunuan ni Dr. Nick Santos upang siguraduhin na walang sakit, walang dalang anumang mikrobyo ang mga hayop na dinadala dito sa Vitas at lahat ng mga karneng manggagaling dito at dadalhin sa mga pamilihan ay sertipikadong walang panganib na maaaring makaapekto sa mga mamimili. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng proteksyon ang kalusugan ng taumbayan.”

“Nagpapasalamat tayo sa bawat isang Manilenyo na gumaganap sa kanilang tungkulin bilang mabuting mamamayan. At kami naman sa pamahalaan ay nagsisikap na maging masinop, maingat at maging wasto sa paggamit ng pondong nagmula sa ating lahat na mga taxpayers. Alay namin ni Vice Mayor Yul Servo Nieto ang lahat ng proyektong inilulunsad natin kasabay ang mga programa at serbisyong inihahatid natin diretso sa tao. At asahan po ninyo na Manilenyo ang laging Una kay Dra. Honey Lacuna,” dagdag pa nito.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read