Latest News

MAG-ASAWA, PATAY SA ROAD ACCIDENT HABANG BITBIT ANG KAMAMATAY LAMANG NA SANGGOL

By: Philip Reyes

PATAY ang Isang mag-asawa nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pick-up truck sa Zamboanga del Norte, habang bitbit ang bangkay ng kanilang sanggol na namatay naman sa isang ospital.

Ayon sa pulisya, may dalawang kasama ang mag-asawa na nakasakay sa hiwalay na motorsiklo habang bumibiyahe, nang biglang nagkasagian ang dalawang motorsiklo.

Dahil dito ay nawalan ng kontrol sa manibela ang lalaking biktima at napunta sila ng sakay sa kabilang linya ng kalsada.

Dito naman sila tumama sa isang paparating na pick-up truck.

‘Yung baby ay yakap lang nu’ng mother. Nagkasagian sila ng ka-convoy niyang motor and then it so happen na nung nawalan ng control, going na ‘yung motor sa sasakyan na approaching, head-on collision and then tumalsik sila pabalik sa lane nila,” ani   Leon B. Postigo Municipal Police Station Chief, Major Anjelo Acuzar.

Hindi natukoy kung ano ang ikinamatay ng bata.

Ani Acuzar, “nagkaayos din at nag-settle din na hindi na mag-file ng any complaint provided na tutulong sila sa pag-shoulder ng pagpapalibing doon sa mga namatay.”

Dinala ang mag-asawa sa ospital subalit patay na nang idating doon.

 

 

 

 

Tags:

You May Also Like

Most Read