Kasama ni President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamimigay ng mga regalo sa Boys' Town Complex sa Marikina. (JERRY S. TAN)

MAAGANG PAMASKO SA BOYS’ TOWN, IBINIGAY NI PBBM AT MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Masayang nagkwentuhan sina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Manila Mayor Honey Lacuna bago simulan ang pamimigay ng mga regalo sa Boys’Town in Marikina. (JERRY S. TAN)

NAGING maaga ang Pasko para sa mga wards ng Boys’ Town Complex sa Marikina, isang institusyon na pinatatakbo ng pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Ito ay nang personal na magtungo doon sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes upang personal na mamahagi ng mga regalo.

Ang naturang aktibidad ay naganap matapos ang pamimigay kamakailan lamang ng ayuda ng Pangulo at alkalde sa mahigit na 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog naganap sa Isla Puting Bato sa Tondo.


Umabot sa may 4,000 packages ang ibinigay sa wards at maging sa mga mag-aaral at mga kawani ng Valeriano E. Fugoso Memorial School na nasa loob mismo ng Boys’ Town complex . Napag-alaman na 166 ang pinagsamang bilang ng mga bata, lalaki at babae habang 415 naman ang senior citizens.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng nasabing complex, ang mga wards na binubuo ng homeless children at mga senior citizens ay pawang tumanggap lahat ng regalo, pagkain at mga gamot.

Sa kayang talumpati ay pinasalamatan naman ni Lacuna ang Pangulong Marcos sa kanyang hindi matatawaran at walang humpay na pagsuporta sa lungsod ng Maynila.

Anang alkalde, ito ay napakalaking tulong sa kanyang city administration na kasalukuyang nalilmitahan ang operasyon dahil sa pagbuno ng P17.8 billion na utang na iniwan ng pinalitan niyang mayor.


Inihayag din ni Lacuna ang mga planong renovations para sa nasabing complex para mas lalong maging kaiga-igaya sa mga wards na inaalagaan dito.

Samantala, dumalo din sa naturang pagtitipon sina Vice Mayor Yul Servo, Marikina Mayor Marcy Teodoro at Marikina Congresswoman Stella Quimbo na sinamahan si Lacuna sa pagsalubong kay Pangulong Marcos at sa pamamahagi ng Christmas gifts mula sa Department of Social Welfare and Development, kung saan ang pinuno nito na si Sec. Rex Gatchalian ay tumulong din.

Ang Boys’ Town ay dating pasilidad para sa mga kabataan na nangangailangan ng aruga hanggang sa ito ay naging care facility na rin para sa mga bata, nakatatanda, persons with disability at mga indibidwal na inilagay sa kustodiya ng syudad para sa muling pakikisalamuha sa lipunan.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read