Latest News

Lolo, nandakma ng boobs ng 15-anyos, dinakma rin ng pulis

By: Carl Angelo

Arestado ang isang citizen matapos na dakmain ang “boobs” ng Isang dalagita habang naglalakad sa may harap ng Bldg 30, Aroma Compound,Tondo, Maynila,kamakalawa ng gabi .

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 1 ang suspek na si Willy Villote y Camacho, 66-anyos, welder at residente ng Building 30, Aroma Compound,Tondo. Maynila.

Naganap umano ang insidente sa nabanggit na lugar alas 9 ng gabi.


Sinabi ng 15-anyos na biktima na naglalakad siya sa na nabanggit na lugar nang biglang dakmain ng suspek ang kanyang dibdib.

Sinabi ng biktima na nasaktan siya sa ginawa ng suspek at napahiya sa mga taong nakakita sa lugar, kaya’t nagreklamo ito sa presinto kasama ang kanyang ina.

Ala- 1:30 ng madaling araw, kahapon nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay.

Ang nasabing lolo ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags:

You May Also Like

Most Read