Latest News

Iniatas ni Mayor Honey Lacuna ang liquor ban malapit sa Catholic Churches sa Maundy Thursday at Good Friday at ang pagsara ng dalawang sementeryo ng lungsod. (JERRY S. TAN)

LIQUOR BAN SA PALIGID NG MGA SIMBAHAN, INIUTOS NI MAYOR HONEY; MANILA NORTH AT SOUTH CEMETERY, SARADO MUNA

By: Jerry S. Tan

INIUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapatupad ng ‘liquor ban’ sa bisinidad ng mga Simbahangd Katoliko sa Huwebes Santo at Biyernes Santo (March 28 -29), kasabay ng anunsiyo na sarado ang Manila North at Manila South Cemeteries sa Mahal na Araw hanggang Easter Sunday.

Sa ilalim ng Executive Order No. 9, sinabi ni Lacuna na ang hakbang ay para sa ‘peaceful commemoration’ ng Semana Santa at nakapaloob dito ang pagbabawal sa pagbebenta o pag-konsumo ng mga nakalalasing at alcoholic na mga inumin sa loob ng 500-meter radius mula sa mga Catholic Churches sa Maynila, bilang konsiderasyon sa mapayapang paggunita sa Mahal na Araw.


Kaugnay niyan ay inatasan din ni Lacuna si Manila Police District Director Gen. Arnold Thomas Ibay na mahigpit na ipatupad ang bban, dahil ang Semana Santa umano ay dapat na gamitin sa pagninilay-nilay at pagdarasal.

Muling nanawagan si Lacuna sa mga taga-Maynila na gamitin ang okasyon upang mag-meditate, magpanibago ng pananampalataya at mag-‘reboot’, imbes na makihalo sa mga maingay at magulong inuman na kung minsan ay nauuwi pa sa away o kaguluhan.

Samantala, inihayag ni Lacuna na ang dalawang sementersyon pinatatakbo ng pamahalaang-lokal ay sarado sa buong Semana Santa.


Aniya, ang Manila North at South cemeteries ay kalahating araw lamang na bukas nitong Miyerkules Santo at sa Linggo ay bubuksan ito para lamang sa mga libing.

Half-day lang din ang mga klase nitong Miyerkules sa lahat ng public at private schools sa lungsod, ayon sa atas ng alkalde.


Gayundin naman sa pamahalaang-lokal alinsunod naman sa atas ng Malakanyang.


You May Also Like

Most Read