Latest News

LIMANG PULIS ULIT, SABIT SA TORTURE AT RAPE

By: Victor Baldemor Ruiz

LIMA na namang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang iniimbestigahan para sa administrative liability at nahaharap sa kasong kidnapping, serious illegal detention with rape at paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .

Kinumpirma ni PNP Police Regional Office na ipinagharap ng kaso ng isang 19- anyos na babae ang limang pulis matapos na maghain ng sumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

Pansamantalang nasa ‘floating status’ matapos sibakin sa kanilang pwesto ang limang pulis na sinasabing mga kasapi ng Station Drug Enforcement unit.


Kaugnay ito umano ng paghuli at pagdetine sa biktima ng mga pulis na dinala sa isang bahay noong September 19 ng nakaraang taon kung saan siya pinahirapan at ginahasa pa umano ng isang police asset bago pinakawalan noong September 22, 2022.

Sa sumbong sa NBI 7, nagsagawa umano ng anti-drug operation ang mga pulis sa Barangay San Nicolas at pinasok ang bahay na pagmamay-ari ng kaibigan ng biktima at naiwan ang teenager nang magpulasan ang mga tao.

Sa halip na sa presinto dalhin ay sa isang apartment umano siya dinala ng mga pulis kung saan nangyari ang interogasyon, torture, at panggagahasa sa kanya.

Kinumpirma ni PLtCol Gerard Perare, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa Region 7, na hindi lehitimo ang naging operasyon ng mga pulis.


Sa isang panayam, sinabi ng opisyal na: “Ito pong operation na ito or the activity was not sanctioned by the station concerned… This was done in their private capacity or personal capacity because as a matter of policy po, this is not how the PNP conducts its operations.”

Iginiit ni Perare na hindi nila kinukunsinti ang mga tiwaling opisyal sa kanilang hanay.

“While the PNP is very fast in recognizing good deeds, we are also very swift and very determined to make sure that those who violate policies will be penalized accordingly,” aniya.

Samantala, inihayag naman ng Department of Justice na sisiyasatin din nila ang akusasyon na tinorture din ng mga pulis ang suspect naman sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kung may makikitang basehan sa akusasyon.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read