IPINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang hatol na reclusion perpetua o hanggang 40 taonG pagkabilanggo na walang parole laban sa mag-asawang nagsabwatan sa panggagahasa sa kanilang sariling 14-anyos na anak.
Sa desisyon ng SC Second Division, ibinasura nito ang apela na inihain ng mag -asawa at pinagtibay na ‘ guilty’ sila sa kasong qualified rape.
Inatasan din ng SC ang mag-asawa na bayaran ang biktima ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral damages at P100,000 bilang exemplary damages, na may interest rate na 6% per annum mula sa petsa na nagkaroon ng finality sa desisyon hanggang sa mabayaran nila ito nang buo.
“The Court stresses that incestuous rape is not a simple criminal offense that can be easily fabricated, especially in this case were both parents are accused,” ayon sa SC.
“The humiliation of a trial and life-long stigmatization will surely take a toll on the victim and her family,” dagdag pa nito.
Ayon sa court records, ang kasong rape ay isinampa ng kapatid ng biktima laban sa kanilang ama.
Sa paglilitis, ang mga magulang ng dalagita ay napatunayang guilty ng Regional Trial Court at ang desisyon na ito ay pinagtibay ng Court of Appeals (CA), kung kaya’t naghain ng petisyon sa SC at na-establish sa kaso na ang lahat ng elemento ng rape ay positibo.
“A wife helping her husband rape another person is not new and our jurisprudence is replete with cases of fathers raping their daughters. However, a mother helping her husband rape their own daughter is uncommon,” saad ng SC.
Ayon pa sa SC, ang testimonya ng biktima ay hindi mapapasinungalingan.
Ang desisyon ay ginawa noong Agosto 2023 pero ngayon lang Oktubre inilabas ng SC.