Latest News

Inaanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynila na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination para sa kanilang mga alagang aso at pusa. (JERRY S. TAN)

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION, ALAY NG MAYNILA SA ‘RABIES AWARENESS MONTH’

By: Jerry S. Tan

Maliban sa Fire Prevention Month at National Women’s Month, inoobserbahan din sa lungsod ng Maynila ang ‘Rabies Awareness Month.’

Dahil diyan ay inaanyayahan ni Lacuna ang lahat ng taga-Maynila na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Manila Veterinary Inspection Board na pinamumunuan ni Nicanor Santos at ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.

Ayon kay Lacuna, kailangang lumikha ng kamalayan sa panganib na dulot ng rabies, kapwa sa nagmamay-ari ng hayop at sa sinumang makakagat na hindi bakunadong hayop.


Sinabi ni Pangan na ang lungsod ay may walong uri ng animal bite treatment na nagbibigay ng libreng gamutan sa animal bite clinic ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla at pati na sa pitong health centers.

Bukod pa umano riyan ang parehong libreng serbisyo na ibinibigay sa MHD sa Manila City Hall at ang sa lingguhang ‘Kalinga sa Maynila’ fora na isinasagawa mismo ng alkalde sa iba’t-ibang barangay sa Maynila.


Ani Pangan, lahat ng mga may-ari ng aso at pusa ay maaaring magpabakuna ng kanilang alagang hayop nang libre at ang tangi nilang kailagang gawin ay ang kanilang alaga.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read