Sina Mayor Honey Lacuna at PESO chief Fernan Bermejo na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng trabaho sa mga taga-Maynilang walang hanapbuhay. (JERRY S. TAN)

LIBONG TAGA-MAYNILA, NABIGYAN NG TRABAHO SA TATLONG SABAY-SABAY NA JOB FAIRS NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

UMABOT sa libo-libong residente ng Maynila na walang trabaho ang nabiyayaan ng hanapbuhay sa tatlong malakihang job fair na sabay-sabay idinaos ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Biyernes, January 31.

Masayang binati ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente ng lungsod na nagkaroon bigla ng trabaho o ‘hired on the spot’ matapos mag-apply sa tatlong job fairs na inilunsad sa pakikipagtulungan ng public employment service office (PESO) na pinamumunuan ni Fernan Bermejo at iba’t-ibang public companies na patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon, sa layuning mabigyan ng hanapbuhay ang bawat isang Manilenyo..


Bukod sa PESO ay pinasalamatan ni Lacuna ang mga kumpanya na nakilahok sa job fairs, gayundin ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang DOLE-NCR Manila Field Office, para sa kanilang walang humpay na suporta.

Ang tatlong malalaking job fairs na binuksan sa publiko ay ang “TRABAHO SA BAGONG PILIPINAS JOB FAIR” na isinagawasa Rizal Memorial Coliseum sa P. Ocampo St., Malate, Manila; “KALINGA SA MAYNILA PESO JOB FAIR” na idinaos mula alas- 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa panulukan ng Escoda at A. Linao Streets sa Paco, Maynila at ang “MEGA JOB FAIR” na isinagawa naman sa Arroceros Forest Park s Lawton, Ermita, Myanila, mula alas-10 ng umaga hanggang alas- 3 ng hapon.

Sa Rizal Coliseum, isang TESDA skills demo at free training din ang isinagawa, kasabay ng one-stop-shop pre-smployment documentation and advisory services.


Samantala, tiniyak naman ni Lacuna sa mga Manilenyo na hindi pinalad sa tatlong job fairs na hindi sila dapat mawalan ng pag-asa dahil tuloy-tuloy lamang ang kanyang administrasyon sa pagsasagawa ng mga job fairs at pagbibigay ng trabaho sa mamamayang-lungsod.

Walang gastos o dapat gawin ang isang aplikante kung hindi magsuot ng casual attire at magdala ng sariling ballpens at hindi bababa sa sampung kopya ng resume.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News