Latest News

Inihayag ni Mayor Honey Lacuna ang mga programa para sa LGBTQ community sa Maynila. (JERRY S. TAN)

LGBT, NIYAYAKAP SA MAYNILA, MGA PROGRAMA PARA SA KANILA, INILATAG

By: Jerry S. Tan

“DITO sa Maynila, walang iniiwan. Lahat kasama, lahat mahalaga.”

Ito ang inihayag ni Mayor Honey Lacuna, kasunod ng panawagan sa 896 barangays sa lungsod na magtalaga ng Gender And Development (GAD) Action Officers na tututok sa usapin ng mga kababaihan at LGBTQIA+.sa lungsod.

Hiniling din ng alkalde sa Manila Gender Sensitivity and Development Council na gumawa ng LGBTQIA+ registry katulad ng ginagawa ng local government para sa kanilang mga residente na persons with disability (PWDs) at senior citizens.

Sa sandaling magawa na ito ay maaari na umanong magpatupad at magmantina ng LGBTQIA+ Assistance Desk ng Registry, iupang makapaglaan ng tukoy na budget para sa mga serbisyo at benepisyona tutugon sa espesyal na pangangailangan ng nasabing sektor. Ang nasabing registry ay inaasahang isasama ang mga nagtatrabaho, nag-aaral at may negosyo sa Maynila.

Kaugnay nito ay nagpaalala din si Lacuna na dapat na tiyakin ng mga barangay authorities ang wastong pagpapatupad ng city ordinance sa LGBTQ protection at anti-discrimination o Ordinance No. 8695.

Ipinadama ng Lacuna administration ang kahalagahan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa isang buwang pagdiriwang ng ika-453 founding anniversary ng lungsod ng Maynila.

“Its members, were given an avenue to showcase their talents in fashion design via the “Rampa Manila”; express their identity through film where budding filmmakers competed with one another, joined by featured directors as well and, to promote wellness, they were made to spearhead the Zumba Manila being conducted weekly on Roxas Boulevard under the Move Manila Carless Sunday program,” anang alkalde.

Nagbigay din ng direktiba si Lacuna na pag-aralan kung paano mapapaunlad ng lungsod ang social welfare programs nito at kung paano makakatugon sa pangangailangan ng LGBTQIA+ sa Maynila hindi lamang sa tema ng ‘social hygiene clinics’.

“We will work on a program that covers the LGBTQIA+ in GAD services with added focus on barangay GAD projects, gender sensitivity training and implementation of the Safe Spaces Act (RA 11313), Reproductive Health Act (RH 10354) and Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (AOSAEC) Law (RA 11930),” ani Lacuna.

Tags:

You May Also Like

Most Read