Dumanas ng matinding sakit ang isang 46-anyos na lalaki matapos na saksakin ng gunting ang kanyang ari ng kanyang kinakasama habang sila ay nag-iinuman sa kanilang tahanan sa Ermita, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa nang mabaling ang usapan nila sa mga dati nilang naka-relasyon.
Ayon kay PCapt.Anthony Abundo,hepe ng Lawton Police Community Precinct , nakita ng mga nagpapatrulyang pulis ang tumatakbong biktima na duguan ang ibabang bahagi ng katawan kaya tinulungan nila itong madala sa pagamutan.
Naaresto naman ng mga pulis ang kinakasama ng biktima na kinilala lamang na si Eve, 28, di tunay na pangalan, sa isinagawang follow-up operation. Gayunman, tumanggi ang biktima na sampahan pa ng demanda ang ka-live inniya dahil mahal na mahal umano niya ito.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang pahayag ang suspek na kinilala lamang na si Adan, na residente ng Tondo, Maynila
Napag-alaman sa mga nakasaksi sa insidente na nag-iinuman umano ang mag-live in at ang tangi nilang pulutan ay ang pag-usapan ang kanilang mga nakaraan at ang kanilang mga dating naging kasintahan.
Nauwi umano ang usapan sa pikunan hanggang sa umabot sa saksakan.
Ayon sa mga saksi, napikon umano ang suspek sa kanilang kuwentuhan tungkol sa kanilang mga naging ex-partner at doon nag-umpisa ang mainit na sagutan.
Nasa maayos nang kalagayan na ang biktima at nagpapagaling na lamang sa ospital kung saan siya isinugod.














