Kasama ni Mayor Honey Lacuna ang spokesperson niyang si Atty. Princess Abante na nag-abiso ukol sa gagawing rehabilitasyon ng Lagusnilad Underpass. (JERRY S. TAN)

Lagusnilad Underpass, isasailalim sa 4 na buwang rehabilitasyon

By: Jerry S. Tan

Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga motorista na sisimulan na ang pagpapatupad ng partial road closure sa Lagusnilad vehicular underpass para bigyang-daan ang isasagawang apat na buwang rehabilitasyon doon.

Sa advisory na inilabas ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, nabatid na ang partial closure ng underpass ay sisimulang ipatupad mula sa Mayo 2, 2023.


Kaugnay nito ay pinapayuhan ang lahat ng sasakyan na dadaan sa Taft Avenue na gumamit muna ng alternatibong ruta upang makaiwas sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Inianunsiyo rin ni Abante na magkakaroon rin ng groundbreaking ceremony para sa Lagusnilad Vehicular Underpass Rehabilitation, ganap na alas-8:30 ng umaga ng Mayo 2.

Mismong si Lacuna, kasama ang iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ang mangunguna sa naturang seremonya.


Nabatid na aabutin ng apat na buwan ang rehabilistasyon sa underpass o hanggang sa Setyembre 2023.

“Motorists and members of the media are advised that the Lagusnilad Vehicular Underpass will have a partial road closure starting May 2, 2023. This is to ensure the safe and efficient rehabilitation of the underpass, for at least 4 months or until September 2023,” saad pa ni Abante.


Tags: Atty. Princess Abante, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read