Latest News

Nagpaunlak ng interview sa media si Mayor Honey Lacuna kaugnay ng personal niyang pagbubukas muli ng newly-upgraded Lagusnilad underpass, kasama sina Vice Mayor Yul Servo, (kanan) City Engineer Armand Andres at (kaliwa, likuran department of public services chief Nicole Kaye Amurao. (JERRY S. TAN)

LAGUSNILAD, MULING BINUKSAN NI MAYOR HONEY SA MGA MOTORISTA

By: Jerry S. Tan

Tamang-tama sa pagsisimula ng Kapaskuhan sa bansa, muling binuksan sa publiko ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ng umaga (Nov. 28) ang Lagusnilad Underpass saTaft Avenue, Ermita, Manila matapos na ito ay sumailalim ng major rehabilitation sa loob ng ilang buwan mula noong Mayo.

Kasama sina Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, Chief of Staff Joshue Santiago, Congressman Irwin Tieng at Manila Police District (MPD) Director Col. Arnold Thomas Ibay at iba pa, personal na pinangunahan ni Lacuna ang ‘reopening’ ng nasabing underpass kung saan kanya na ring inanunsyo na ang pumping system ng nasabing under pass ay sasailalim din sa upgrading.

Sinabi ni Lacuna na ang muling pagbubukas ng Lagusnilad para sa mga nagdaraang motorista sa lungsod ay inaasahang makapag-papagaan s trapiko dahil ang nasabing underpass ay isang major thorougfare na daanan ng mga nagtutungo sa mga sikat na shopping destinations gaya ng Quiapo at Divisoria na karaniwang puntahan ng mga namimili ng mga panregalo.


Idinagdag pa ni Lacuna na ang bagong gawang underpass ay iilawan sa magkabilang gilid, bukod pa sa inilagay na mga solar studs sa concrete flooring, upang maging maliwanag at tiyakin na ligtas ang mga motorista na nagdaraan dito.

Dahil sa Lagusnilad redevelopment, sinabi ni Lacuna na: “Pag umulan, inaasahan nating hindi na ito babahain at magluluba-lubak. Tinaasan din natin ang semento at hindi po ito aspalto lamang.”


Bagamat ang Lagusnilad ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng national government, inako na ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang pagpapagawa dahil na rin sa mga reklamong tinatanggap ng lokal na gobyerno mula sa mga motorista kaugnay ng kalunos-lunos na kondisyon ng underpass.

“Tumulong lang kami kasi kami ang laging nasisisi,” anang ng alkalde, kasabay ng pahayag na nagsimula ang trabaho sa underpass noong Mayo kung saan sinagot ng city government ang P50 million habang ang tanggapan ni Rep. Tieng ay nag-ambag naman ng P20 million. Napag-alaman na nangako din si Tieng na magbibigay ng karagdagang P100 million para sa upgrading ng pumping system. Ipinaliwanag ng alkalde na binabaha ang underpass dahjil ito ay below sea water level.


Napag-alaman kay Andres na ang Lagusnilad ay sumailalim sa total upgrade sa pamamagitan ng concreting, drainage system improvement, curing, waterproofing, at iba pa.

Gasya ng ng dati, lahat ng uri ng sasakyan ay maaaring gumamit ng underpass at mananatil umano itong bukas habang ang pumping system nito ay sumasailalim sa upgrade, ayon kay Lacuna.

Samantala, tiniyak ni Lacuna na tuloy-tuloy lamang ang pagsasaayos ng mga kalye sa lungsod ng Maynila.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read