Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Rep. Rolan Valeriano (2nd distrit) habang pinag-uusapan ang planong pagtatayo ng UdM annex sa Vitas, Tondo. (JERRY S. TAN)

LACUNA, SERVO AT VALERIANO, PANGUNGUNAHAN ANG PAGTATAYO NG UDM ANNEX SA VITAS

By: Jerry S. Tan

PANGUNGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Congressman Rolan Valeriano (2nd district) ang ground breaking ng sampung palapag na annex college building ng Universidad de Manila (UdM) sa darating na Huwebes (Oct. 17, 2024)

Kaugnay niyan ay pinapurihan ni Lacuna si Valeriano sa nasabing proyekto dahil sa pamamagitan ng naturang annex building ay maaari ng tumanggap ng mas maraming estudyante ang UdM na aniya ay masikip na sa ngayon dahil sa dami ng estudyante. Ang UdM ay matatagpuan malapit sa Manila City Hall at pinamumunuan ni Dr. Felma Carlos-Tria bilang Pangulo nito.

Ayon kay Valeriano, inako na niya ang proyektong pagpapatayo ng UdM Annex dahil ito ay pangarap ni Lacuna na nakatali ang mga kamay dahil sa patuloy na pagbabayad ng P17.8 bilyong utang na iniwan ng nakaraang administrasyon.


Ani Valeriano, ang planong UdM annex ay itatayo sa Vitas, Tondo, sa isang 1,500 metro kwadradong lotem na aniya ay mangyayari sa panahon lamang ng termino ni Lacuna.

Bilang pagpapasalamat ay inihayag naman ni Lacuna na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Congressman ay magsasagawa ng ganitong uri ng proyekto dahil karaniwan ay laging ang mga alkalde lamang ang nagpapatayo ng mga gusali ng paaralan.

Napag-alaman na sa ilalim ng nasabing plano, ang UdM annex building ay magkakaroon ng 48 classrooms, 15 multi-function rooms at isang multi-purpose hall at gym.


Tags: Congressman Rolan Valeriano, Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read