Latest News

Nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay si Mayor Honey Lacuna sa mga pamiya ng 11 kataong nasawi sa sunog sa Binondo, kasabay ng pag-atas ng inspeksyon sa mga lumang gusali sa lungsod ng Maynila. (JERRY S. TAN)

LACUNA, SINAGOT LAHAT NG GASTUSIN SA 11 NASAWI SA SUNOG SA BINONDO, MGA LUMANG GUSALI SA MAYNILA, PINASUSURI

By: Jerry S. Tan

Sinagot ng pamahalaang-lokal ng Maynila ang lahat ng gastusin para sa 11 nasawi sa sunog sa Binodo nitong Agosto 2, kasabay ng pagpapaabot ni Manila Mayor Honey Lacuna ng taos-pusong pakikiramay sa mga naapektuhan ng nasabing sunog at pag-atas na magkaroon ng masusing inspeksyon sa mga lumang gusali sa lungsod.

Bukod sa agarang pagpadala ng tulong ni Manila Social Welfare and Development (MSWD) chief Re Fugoso kabilangang psycho-social, medical at financial aids, napag-alaman na sinagot na rin ni Lacuna lahat ng kaukulang gastusin para sa burol, libing, kabaong, pamasahe na kailangan ng mga kaanak at pagdadala ng labi sa probinsiya pati na din cremation at iba pa.

“Sa ngalan ng pamahalaang-lungsod ng Maynila, lubos po akong nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential-commercial building sa Carvajal sa Binondo, Maynila kaninang umaga,” dagdag pa ng alkalde.


Hinihintay umano ni Lacuna ang opisyal na ulat mula kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles upang lubos na maunawaan ang pangyayari na lumikha ng trahedya.

Kaugnay nito ay inatasan na rin ng alkalde ang tanggapan ni City Engineer Armand Andres na nakasasakop sa building office, gayundin sa fire officials, para magsagawa ng masusing inspeksiyon sa lahat ng istruktura sa lungsod, partikular na yaong 15 taon na o pataas.


“In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city. The structures at highest fire risk especially those buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines,” pahayag ni Lacuna.

Layunin umano nitong matiyak ang mahigpit na pagtalima sa umiiral na building at fire regulations, upang maiwasan na maulit pa ang nasabing sunog at mabantayan ang kapakanan ng mga residente.


“Muli, taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan. May the souls of the departed rest in peace,” anang alkalde.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-7:20 ng umaga sa canteen ng apat na palapag na residential-commercial building sa Carvajal Street sa Binondo at ito ay idineklarang ‘fireout’ alas-10 na ng umaga.

Nagsimula umano ang sunog sa isang tumagas na tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng kantina.

Dakong alas-10:04 ng umaga nang maideklarang fireout ang sunog.

Na-trap umano ang 11 biktima sa loob ng gusali at hjabang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin inilalabas ng awtoridad ang kanilang mga pagkakakilanlan.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read