Lacuna, nagpaalala sa pagbabayad ng Real Property Tax

By: Jerry S. Tan

Naglabas ng public advisory ang pamahalaang lungsod ng Maynila, kaugnay nang pagbabayad ng real property taxes.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang nasabing schedule ng discount para sa Real Property Tax payments ay formulated na para sa mga magbabayad ng maaga.

Sinabi ng alkalde na para sa mga nagbayad ng hanggang Disyembre 29, ang taxpayer ay magkakaroon ng 15% discount para sa non-delinquent account.


Idinagdag pa ni Lacuna na para sa real property tax payments naman mula Enero 1-31, 2024, sila ay magkakaroon ng 10 percent discount

Maaari aniyang gawin ang pagbabayad sa pamamagitan ng Go Manila app o via www.gomanila.com.

Maaari rin namang magbayad sa Taxpayer’s Center sa Manila City Hall.

Pinayuhan pa ni Lacuna ang lahat ng property owners sa Maynila na magbayad ng maaga, upang maka-discount.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read