Latest News

Sinuspindi ni Mayor Honey Lacuna ang klase at trabaho sa lungsod ng Maynila dahil sa smog. (JERRY S. TAN)

KLASE AT TRABAHO SA CITY HALL SA MAYNILA, SUSPINDIDO DAHIL SA SMOG

By: Jerry S. Tan

INIUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensyon ng klase sa lahat ng in person at face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod gayundin ang trabaho sa Manila City Hall at satellite offices matapos maapektuhan ng smog ang malaking bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes.

Ayon sa spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, ang suspensyon ay alinsunod sa rekomendasyon ng hepe ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na si Arnel Angeles.

Aniya, ang suspensyon ng trabaho ay ginawa dakong ala-1 ng hapon, maliban sa mga departamento, ahensya at tanggapan na may kaugnayan sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan at sa paghahanda at pagtugon sa disaster and calamities at iba pang mahalagang ‘essential services’ na inaasahan ang patuloy na pagbibigay sa mga taga-lungsod.

Pinayuhan din ang mga residente na magsuot ng face masks at limitahan muna ang paglabas ng bahay.

Ayon sa PAGASA, ang lagay ng panahon sa Metro Manila, Calabarzon, at iba pang bahagi ng Central Luzon ay “conducive for haze or smog formation.”

The condition occurs when very small particles get trapped close to the surface due to the presence of a thermal inversion, high humidity,and calm wind conditions,” anito,

Ang volcanic sulfuric dioxide emission mula sa Taal Volcano ay naging dahilan ng smog sa ilang bahagi ng bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read