Latest News

Hawak nina Mayor Honey Lacuna at Solar Entertainment President and CEO Wilson Tieng (second from left) ang kopya ng kasunduan na pinirmahan nila. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Vice Mayor Yul Servo at Director Brillante Mendoza. (JERRY S. TAN

Kasunduan para sa “Sinag Maynila ’24 Film Festival,’ nilagdaan ng Maynila at Solar Entertainment

By: Jerry S. Tan

Isang memorandum of agreement (MOA ) ang pinirmahan ng lungsod ng Maynila at Solar Entertainment para sa pagdaraos ng isang linggong film festival na gaganapin sa buwan ng Setyembre sa mga piling sinehan.

Makikita sa larawan sina (mula kaliwa) Butch Ibanez, General Manager-Solar Pictures, Inc.; Kenneth Yumang, Chief Finance Officer; Tessa Alviz, VP-Network Operations; Kate Villena, Marketing Director; Angela Robinson, Marketing Manager and (seated, from left) Director Brillante Mendoza at Wilson Tieng, President & CEO ng Solar Entertainment, matapos ang pirmahan ng memorandum of agreement kasama si Mayor Honey Lacuna, para sa gaganaping film festival sa September. (JERRY S. TAN)

Ang pirmahan na ginanap sa Manila City Hall ay pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Solar President and CEO Wilson Tieng, director Brillante Mendoza, Congressman Irwin Tieng at Manila tourism chief Charlie Dungo.

Tiniyak ni Lacuna na lahat ng suporta ay ibibigay ng pamahalaang-lungsod para sa ikatatagumpay ng ‘independent festival’ na may temang ‘Sine Lokal, Pang-International.’

Ang mga pelikulang kalahok ay nakatakdang ipalabas sa mga piling sinehan sa Maynila mula September 4 hanggang September 8, 2024.

Ayon kay Dungo, ang nasabing agreement signing ay nataon sa selebrasyon ng lungsod ng buwan ng turismo.

Sinabi ni Lacuna na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay laging nakahandang magbigay sa industriya ng pelikulang Pilipino ng mga kinakailangan upang muli itong buhayin at maibalik sa estado nito bago magkaroon ng pandemya.

Napag-alaman kay Wilson na lahat ng film entries ay tatanggapin hanggang sa deadline na itinakda sa July 24, 2024.

Aniya, ang admission fees sa mga lalahok na sinehan ay babaan sa P200 lamang upang mahikayat ang mga manonood na tangkilikin ang mga pelikulang kalahok sa festival.

Samantala, ipinaliwanag ni Wilson na ang dahilan kung bakit niya pinili ang Maynila para pagdausan ng festival ay dahil isa siyang tubong-Maynila na ipinanganak at lumaki sa Binondo, bukod pa sa pamangkin niya si Congressman Irwin Tieng, na kasakuluyang kinatawan ng fifth district of Manila.

Tags:

You May Also Like

Most Read