Latest News

Ang kapatid ni Guo na si Sheila at kasamahang si Cassandra (sa likod ng BI officer sa foreground) habang nasa arrival immigration counter sa NAIA Terminal 1. Nasa kaliwa si BI Commissioner Norman Tansingco. (JERRY S. TAN)

KAPATID AT KASAMAHAN NI MAYOR GUO, DUMATING NA SA PILIPINAS

By: Jerry S. Tan

DUMATING na kahapon sa bansa ang kontrobersyal na kapatid na babae at kasamahan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong.

Sila ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dakong alas-5 Huwebes ng hapon sa gitna ng napakahigpit na seguridad.

Sila ay sinamahan ng Bureau of Immigration (BI) agents lulan ng Philippine Airlines flight PR540.


Personal na naroon ang dalawa nina National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago at Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco gayundin ng mga kinatawan ng Philippine National Police.

Sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong ay inaresto ng Indonesian Directorate General of Immigration (IDGI) at ang kanilang pagbalik ay coordinated sa Manila International Airport Authority (MIAA).


Bago nito, iniulat ng Indonesian authorities ang pagkakaaresto kina Sheila Guo, 40 at Cassandra Li Ong, 24, sa Harris Hotel Batam Center dakong 6:45 a.m.nitong August 21, 2024. Sila umano ang mga kasama ng pinaghahanap na si Mayor Alice.

Si Cassandra umano ang kinatawan ng isang kompanya na nagbibigay ng serbisyo sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).


Sinabi ng BI na si Mayor Guo ay umalis ng Pilipinas noong nakaraang buwan at nagtungo sa Malaysia at Singapore kung saan nakipagkita ito sa kanyang pamilya bago tumungo ng Indonesia.

Kinansela ng Philippine government ang mga pasaporte ng alkalde gayundin ng kanyang mga kapatid na sina Wesley at Shiela at si Cassandra.

Tags: Bamban Mayor Alice Guo, Cassandra Li Ong, Sheila Guo

You May Also Like

Most Read