Inihayag ni Mayor Honey Lacuna ang pansamantalang pagtigil sa "Kalinga sa Maynila" dahil sa BSKE elections. (JERRY S. TAN)

KALINGA SA MAYNILA, SUSPINDIDO MUNA DAHIL SA BSKE

By: Jerry S. Tan

SUSPENDIDO muna ang “Kalinga sa Maynila” , ang regular barangay forum na isinasagawa ng pamahalaang-lungsod hanggang dalawang beses isang linggo. dahil sa nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan elections na nagbabawal sa pagsasagawa ng ilang aktibidad kabilang na ang nasabing forum.

Ayon kay Lacuna, ang ‘Kalinga’ ay pansamantalang ihihinto simula September 15 hanggang sa matapos ang BSKE at ito ay itutuloy sa Nobyembre na matapos ang halalan na nakatakda sa October 30.


“Pasensiya na po, ibabalik natin ang ‘Kalinga sa Maynila’ pagdating ng Nobyembre kapag tapos na ang eleksyon. Mami-miss din po namin ang aming paghahatid ng serbisyong diretso sa tao,” saad ni Lacuna.

Ang ‘Kalinga’ ay ginagawa sa bawat barangay kung saan ang mga pangunahin at mahalagang mga serbisyo ng Manila City Hall ay inihahatid mismo nang diretso sa mga tao.

Mayroon ding ‘open forum’ ang ‘Kalinga’ kung saan ang mga residente ay maaaring ilahad ang kanilang mga saloobin, katanungan at suhestyon nang direkta sa kaalaman ng alkalde.


“Ang ugnayan ay ating isinasagawa sa ating mga nasasakupan kung saan maaring magbigay ng suhestiyon, saloobin, mga tanong, galit,” ayon sa alkalde.

Aniya, ang mga residente ay maaring lumapit at manghingi ng tulong sa mga help desks na inilagay sa paligid ng ‘Kalinga’ para sa kanilang mga personal na pangangailangan.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read