Latest News

Si Manila Mayor Honey Lacuna sa isang "Kalinga sa Maynila" forum sa barangay. (JERRY S. TAN)

‘Kalinga sa Maynila Service Fair’ ni Mayor Honey, gaganapin sa Binondo matapos ang Tondo

By: Jerry S. Tan

Muling magdaraos ng serbisyo fair ang pamahalaang-lungsod ng Maynila ngayong Sabado, Oktubre 19, sa pangunguna mismo nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.

Ang naturang aktibidad na tinatawag na “Kalinga sa Maynila Service Fair”, ay isang caravan na nag-iikot sa mga barangay upang direktang makapaghatid ng pangunahing serbisyo sa mga residente nang sa gayon ay hindi na nila kakailanganin pang magpunta ng City Hall at para makatipid sila sa oras, pamasahe at pagod.

“Hiniwalay lang namin ang ugnayan and services para mas madaming barangay ang mapuntahan,”paliwanag ni Lacuna,


Ang serbisyo fair ngayong Sabado ay gaganapin sa Numancia Residences sa Binondo mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.

Bago niyan, nagdaos ng serbisyo fair ang pamahalaang-Maynila noong Oktubre 18 sa panulukan ng Almeda at Yakal Streets sa Tondo, kung saan daan-daang residente ng lungsod ang nakinabang din.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na ibinibigay ng caravan ay medical consultation, Philhealth profiling, free medicines, blood typing, FBS (fasting blood sugar) at electro-cardiogram o ECG na ipinagkakaloob ng Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan.

Ang Manila Social Welfare Department (MSWD) ng lungsod na pinamumunuan ni Re Fugoso ay tumatanggap naman ng ID application para sa solo parents, gayundin ng persons and minors with disability at replacement ng IDs at booklet, gayundin ng renewal.


Ang Veterinary Inspection Board (VIB) naman ay nagkakaroon ng libreng pet consultation, rabies vaccination at deworming.

Samantala, ang Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Elinor Jacinto ay tumutulong sa mga senior citizens para sa kanilang payout inquiries, application at replacement ng IDs at booklets habang ang Office of Civil Registry (OCR) sa ilalim ni Encar Ocampo, ay tutulong sa mga may concerns sa birth, marriage at death certificates.

Ang Public Employment Service Office (PESO) naman sa ilalim ni Fernan Bermejo, ay naglulunsad ng job fair, kung saan maaaring mag-apply maging ang mga senior citizens at PWDs.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read