Kinakausap ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente ukol sa mga libreng serbisyo-medikal na alok ng Manila Health Department na pinamumunuan ni Dr. Poks Pangan, na makikitang nasa likuran ng alkalde sa pagpapatuloy ng 'Kalinga sa Maynila' program. (JERRY S. TAN)

“KALINGA SA MAYNILA”, ITINULOY MULI MATAPOS ANG BSKE

By: Jerry S. Tan

Inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na balik nang muli ang kanilang programang ‘Kalinga sa Maynila.’

Makikita si Mayor Honey Lacuna, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at barangay chair Evelyn de Guzman habang ibinibigay ang bigas sa isang senior citizen na person with disability sa pagpapatuloy ng ‘Kalinga sa Maynila’ sa Tondo. (JERRY S. TAN)

Nabatid na mismong si Lacuna ang nanguna sa pagbabalìk ng service-oriented na “Kalinga sa Maynila” fora nitong Martes, na idinaos sa Zaragoza St., harap ng Rosauro Almario Elementary School sa unang distrito ng Tondo.

Ang nasabing aktibidad ay sakop ang mga Barangays 17, 19, 28 at 30 at kabilang dito ang nakagawian na ‘ugnayan’ kung saan ang mga residente ay maaaring makapagtanong ng kahit na ano at personal namang sasagutin ng lady mayor.


Bukod dito, nagdaos rin ng ang lokal na pamahalaan ng job fair, service fair, free medical consultation at mga libreng pangunahing medisina.

Ang “Kalinga” ay ginagawa ng Manila City government sa mga barangays upang ihatid ang pangunahing serbisyo ng Manila City Hall ng direkta sa mga residente.

Matatandaan na ang nasabing programa ay pansamantalang itinigil noong Setyembre 15, dahil sa idinaos na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) noong Oktubre 30, bunsod na rin nang pagbabawal ng mga kahalintulad na gawain.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read