Latest News

JULIE ANNE POSIBLENG MAGING DYOWA Si RAYVER

NI WALLY PERALTA

PAREHONG loveless ngayon sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

In perness, marami ang nagsasabing bagay silang dalawa.


Sa tuwing magkasama, hindi nga maiaalis na matukso ng mga kasamahang kapwa artista Kapuso stars .ang dalawang host ng “The Clash.”

Nagsimulang ma-link ang dalawa noong time na si Rayver ang naging special guest ni Julie Anne sa kanyang trilogy concert na “Limitless 2: Heal.”

Ito rin yung time ng biglang pagputok ng balitang hiwalay na sina Rayver at dating syotang si Janine Gutierrez.

Wala rin naman tuwirang pag-amin kay Rayver kung pinopormahan niya ang TV host-actress.


Pero sabi nga ng dalawa, “what you see is what you get.”

Natanong nga si Julie Anne kung sakaling pormahan siya ni Rayver, may chance ba naman na maging sila?

“We’ll see. Malay natin na there something more special than friendship,” maikling sagot ni Julie Anne.


Tags:

You May Also Like

Most Read