Tuwang-tuwang hinimas ni Presidential bet Isko Moreno ang ulo ng limang-taong gulang na bata na kanyang pinaopera sa India noong 2018 at ngayon ay malaki na. (Jantzen Tan)

Isko, balak magtayo ng cancer hospital sa Pilipinas

BALAK ni Aksyon Demokatiko presidential bet at Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso na magpatayo ng cancer hospital sa bansa, sa sandaling palarin na manalo sa darating.na halalan sa Mayo 9.

Ang pahayav ay ginawa ni Moreno nang isingit ang pakikipagkita sa limang-taong gulang na batang lalaki na isang liver transplant recipient at kanyang tinulungan na mapaopera sa bansang India noong hindi pa man siya mayor ng Maynila.

Sinabi ni Moreno, ang kagustuhan niyang makapagtayo ng cancer hospital ay upang hindi na kailangan pang manlimos o lumapit sa pulitiko ang mga tao.


“Nung araw, dinala ako ng nanay ko sa San Lazaro. Yung nanay ko kailangang iwan ako sa ospital para maglabada. Mahirap ang buhay kapag may sakit ka. Doble hirap,” ani Moreno.

Nalaman na noong 2018, tinulungan ni Moreno si Rimmuel “Toytoy” Bucaling, na noon ay dalawang taong gulang pa lamang, upang sumailalim sa liver transplant operation sa India.

Ito ay isang life-changing na karanasan para kay Totoy at sa kaniyang inang si Amy.

Nabatid na si Toytoy ay mayroong pambihirang sakit sa atay na “Billary Atresia,” na kinakailangan ang agad na gamutan, at tinulungan siya ni Moreno.


Nalaman na sinagot ni Moreno ang lahat ng gastusin sa transplant operation ni Totoy na umabot P2 milyon kaya’t laking pasalamat ng pamilya nito sa kanya.

Sa ngayon ay magaling na ang bata at normal nang namumuhay. (TSJ)

Tags: Manila Mayor Francisco " Isko Moreno" Domagoso

You May Also Like

Most Read