INILAHAD ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga ‘festive activities’ na nakalinya kaugnay ng selebrasyon ng “Araw ng Maynila” sa Hunyo 24, 2024, bilang tampok sa pagdiriwang ng 453rd founding anniversary ng lungsod.
“I am inviting all Manilans to take part in the said activities and celebrate our beloved city’s founding anniversary with us. These are all being offered at no cost to the people of Manila,” ani Lacuna.
Ang mga aktibidad, ayon kay Lacuna, ay uumpisahan sa pagsasagawa ng serye ng libreng concerts na pinamagatang, “Tunog Maynila” na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall sa June 1, 8, 15 at 22. 2024.
Gaganapin ang nasabing concerts sa apat na Sabado ng Hunyo at magtatampok ng 12 sa ‘country’s top bands’.
Kada concert ay magtatapos sa bonggang “Lights and Fireworks Show”.
Bilang karagdagan, magkakaroon din ng “Lasa Maynila,” food bazaar ang Mercato Central at ito ay magiging bukas mula 4 p.m. hanggang 11 p.m. kada Biyernes, Sabado at Linggo, para sa buong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Lacuna, isang free concert, ang “Musiko Maynila” na magtatampok sa mga pangunahing Marching Bands sa Metro Manila ang gaganapin naman kada Biyernes mula 5 p.m. hanggang 6 pm.
Tuwing Biyernes din mula 6 p .m. hanggang 10 p.m. ay magkakaroon naman ng ‘Talentadong Manileno,” talent contest na hosted ng ‘Bekshies ng Maynila (LGBTQ).
Tuwing araw ng Linggo, gaganapin ang dance competition na tatawaging, ‘Zumba Manila’ na inorganisa ng Manila SPTA sa ‘Move Manila’ sa kahabaan ng Roxas Boulevard.














