Latest News

Si Mayor Honey Lacuna (gitna) nang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng bagong gusali ng Isabelo delos Reyes Elementary sa Tondo. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) City Engineer Armand Andres, Councilor Ian Nieva, Congressman Ernix Dionisio, Vice Mayor Yul Servo, DCS chief Rita Riddle at City Architect Pepito Balmoris. Kasama naman sa likuran sina Manila Police District Director Gen. Arnold Thomas Ibay at City Electrician Randy Sadac (ikalawa at ikatlo mula kaliwa). (JERRY S. TAN)

IKATLONG MODERNONG PAARALAN, IPINATATAYO NI MAYOR HONEY

ISANG bago, moderno at anim na palapag na gusali ng Isabelo delos Reyes Elementary School ang nakatakdang itayo sa unang distrito ng Tondo sa Maynila. Ito ang ikatlong bagong paaralan na ipinatayo ni Mayor Honey Lacuna.

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ‘groundbreaking ceremony’ para sa nasabing gusali na magkakaloob sa mga mag-aaral ng bagong lugar na mas kaiga-igaya para sa kanilang pag-aaral.

Bukod kina Lacuna at Andres, kabilang din sa mga dumalo sa groundbreaking ceremony sina Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Congressman Ernix Dionisio (1st district), City Electrician Randy Sadac, City Architect Pepito Balmoris, Division of Schools Superintendent Rita Riddle, Isabelo Delos Reyes Elementary School Principal Marcelo Mislang, mga konsehal ng unang distrito at iba pang city officials


“Bahagi ito ng ating prayoridad sa paglilingkod bilang inyong punong lungsod at itinuturing na ina ng mga Batang Maynila. Nais nating maging kumportable ang ating mga mag-aaral gayundin ang mga kaguruan sa mga panahon na narito sila sa loob ng paaralan,” ani Lacuna.

Umaasa umano ang alkalde na dahil sa proyektong ito ay magiging mas inspirado ang mga guro sa pagtupad sa kanilang tungkulin, hindi lamang bilang tagapagturo kundi bilang ikalawang magulang ng kanilang mga mag-aaral.

“Siyempre, nais din natin itong magsilbing inspirasyon sa ating mga Batang Manilenyo upang sipagin pang lalo na pumasok sa paaralan, mag-aral upang palaguin ang kanilang kaalaman at kasanayan. Ito ay regalo natin para sa mga taga Isabelo delos Reyes Elementary School at sa lahat pang mga batang Tondo na gagawi at mag-aaral dito,” pahayag pa ni Lacuna.

Tiniyak din ng alkalde na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay hindi titigil ang lokal na pamahalaan sa pagsusumikap upang patuloy na mapataas ang kalidad ng pag-aaral sa lungsod para matiyak naman ang magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.


Ayon kay City Engineer Armand Andres, ang itatayong bagong gusali ng paaralan ay magkakaroon ng mga modernong pasillidad .ties.

Mayroon itong 9,273 square meter floor area at magkakaroon ng 49 classrooms, e-room, laboratory, library, auditorium at conference room, apat na elevator units, restrooms, faculty room, offices, canteen at roof deck area.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read