Si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo habang sinasagot ang mga katanungan sa "MACHRA's Balitaan" ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA). Kasama sa larawan sina (kaliwa) MACHRA President Itchie G. Cabayan at Vice President Andi Garcia na nagsilbing mga forum hosts. (JERRY S. TAN)

ICC, DAPAT SAGUTIN MUNA ANG ISYU NG HURISDIKSYON SA PILIPINAS — REP. ERWIN TULFO

By: Jerry S. Tan

Iginiit ni dating Department of Social Welfare and Development Secretary at ngayon ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo, na dapat unahin ng International Criminal Court (ICC) na resolbahin ang kuwestiyon ng hurisdiksyon bagon unahin ang anumang usapin ukol sa war on drugs.

Ang reaksyon ay ginawa ni Tulfo sa ginanap na “MACHRA’s Balitaan” ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) sa Century Seafood Restaurant sa Malate,Maynila matapos na ibasura ng ICC ang apela ng gobyerno na ihinto na ang nasabing imbestigasyon.


Ayon kay Tulfo ,kitang -kita na ang target ng ICC ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa-Duterte at Senator Ronaldo dela Rosa.

Iginiit ni Tulfo na ang isinusulong na imbestigasyon ng ICC ay isang panghihimasok at insulto sa gobyerno ng Pilipinas dahil matagal na itong kumalas bilang miyembro sa ICC.

Sinang-ayunan ni Tulfo ang pahayag nina Senator Ronald dela Rosa at Solicitor General Menardo Guevara
na dapat na ayusin muna ang isyu ng hurisdiksiyon dahil umalis na ang Pilipinas sa ICC, kaya dapat na wala na rin silang karapatang manghimasok sa usapin ng bansa.


“Personally, kung wala na tayo, bakit pa tayo panghihimasukan? We are not a member anymore… parang pangi-insulto naman na wala silang tiwala sa ating justice system eh meron naman, gumagana naman,” ayon kay Tulfo bukod pa sa ang mga nasangkot na pulos ay kinasuhan na at naaresto.

“Mabuti sana kung wala… halatang-halata na ang target ng ICC ay sina dating Pangulong Duterte at Senator Bato,” giit pa ni Tulfo.


Tama umano ang gobyerno ng Pilipinas na tumanggi sa anumang pakikilahok at pag- apela ng gobyerno sa imbestigasyon ng ICC.

“Sagutin muna nila, kasi wala na tayo sa kanila, may karapatan pa ba sila? Hindi pa nila sinagot ‘yung jurisdiction. Ang iniimbestigahan lang naman eh member eh umalis na tayo, hindi na tayo member. ‘Yun ang punto ng apela ‘wag nyo na kami imbistigahan kasi di na kami member. Kaso binasura nila tuloy-tuloy pa…Bakit ang ibang bansang di member di nila pinapakialaman. Sagutin muna nila ‘yun,” dagdag pa ni Tulfo.


Tags: ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo

You May Also Like