“We should go after the big fish”.
Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga members ng Manila Police District (MPD, matapos niyang bigyang papuri ang mga kapulisan sa pangunguna ng direktor nitong si P/BGen. Andre Dizon sa matagumpay na drug bust kamakailan na nagresulta sa pagkakasamsam ng P12-million halaga ng shabu.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng pagmamalaki si Lacuna sa nagawa ng mga kapulisan na ayon sa kanya ay nakakumpiska pa ng halos dalawang kilo ng shabu sa kanilang drug operation sa Quiapo noong isang linggo.
“Gusto kong kilalanin ang magigiting na kapulisan natin na nakahuli ng humigit-kumulang na P11-million worth ng ipinagbabawal na gamot. Almost two kilos,” ayon dito.
“We should go after the big fish, ‘wag lang po ‘yung gumagamit kundi ‘yung nagtutulak. Marami na naman po kayong nailigtas na buhay. Sana ay tuloy-tuloy ang inyong pag-iikot sa Maynila dahil gusto natin na maging ligtas at payapa po ang Maynila. Maraming salamat po,” dagdag ni Lacuna.
Sa harapan ni Dizon ay ipinagkaloob ng lady mayor sa mga pulis na naging bahagi ng matagumpay na drug bust ang certificate of recognition.
Inanyayahan nya din ang mga ito sa kanyang tanggapan sa City Hall kung saan muli niya itong binati at nagpakuha ng larawan kasama ang mga kapulisan.
Matatandaan na ang mga shabu ay nasamsam ng mga operatiba ng MPD- Station 14 mula sa isang 26- anyos na Muslim sa isang buy-bust operation in Quiapo, Manila.
Ang suspek na si Salaudin Baumal ng Pasig City ay naaresto dakong 2:30 a.m. sa Room No. B4, Balay sa Ciudad, Quezon Blvd., Brgy. 391, Quiapo, Manila.
Sinabi ni PMajor Gil John Lobaton na nagpanggap bilang buyers sina PSSg Jose Edward Gomez at Pat. Fernand De Castro. Nang tanggapin na ng suspek ang P1,000 na marked money ay agad itong dinakma.
Nakuha sa suspek ang ang 10 medium plastic sachets at one big plastic, lahat ay naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 1.750 grams na nagkakahalaga ng P11. 9 million. Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Maliban kina Lobaton, Gomez at De Castro, binigyan din ng certrificates of recognition sina SSGs Janus Biasura, Edgardo Salvaloza, Jr., Lester Montero, Pat. Alex Julius Villareal and Cpls. Marvin Pineda and Christian Mars Serviano at Emmerson Victor. (JERRY S. TAN)














