Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang pinag-uusapan ang paghahanda para sa isang hero's welcome sa Manilenyong si Carlo Edriel Yulo na nakakuha ng unang gold medal sa Paris Olympics. (JERRY S. TAN)

HERO’S WELCOME SA MAYNILA, NAGHIHINTAY SA MANILENYONG PARIS OLYMPIC GOLD MEDALIS YULO

By: Jerry S. Tan

ISANG ‘hero’s welcome’ ang pinaghahandaan ngayon pa lamang ng pamahalaang-lungsod ng Maynila para kay Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, na isang taal na residente ng Mayila at itinanghal na ‘Outstanding Manilan’ awardee sa ginanap na pagdiriwang ng ika-453 anibersaryo ng Maynila nito lamang Hunyo 2024..
Ito ang inihayag ni Mayor Honey Lacuna, na pinangunahan ang buong lungsod ng Maynila sa pagpaparangal at pagpapahayag ng ‘pride’ sa nagawa ni Yulo bilang kauna-unahang Pinoy athlete na nagwagi ng ginto sa ginaganap na 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Lacuna, si Yulo ay pagkakalooban ng ‘key to the city’, cash incentives, awards at iba pang uri ng parangal.
Matatandaan na si Yulo ay una nang pinarangalan bilang ‘Outstanding Manilan’ sa awarding na ginanap sa Metropolitan Theater nitong nakaraang Hunyo 2024, bilang pinaka-highlight ng pagdiriwang ng ika-453rd founding annviersary ng lungsod ng Maynila. Ang nasabing ‘Gawad Manileno’ award ay personal na iniabot nina Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Manila Sports Council (MASCO) head Roel de Guznan.


“A resident of Malate, Manila, Yulo has brought pride and glory to the country and most especially to his fellow Manilans. The City of Manila is so proud of you!” ani Lacuna.

Sinabi naman ni Servo na ang Manila City Council, kung saan siya ang Presiding Officer, ay naghahanda rin na ibigay kay Yulo ang pagkilalang dapat para dito.
Bago niyan, si Yulo at kapatid nitong si Karl Edrew ay pinarangalan na din ng konseho sa pamamgitan ng isang resolusyong inihain nina Councilor Numero Lim at Majority Floorleader Atty. Ernesto Isip, Jr., dahil sa katangi-tanging performance sa Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa Uzbekistan noong May 19, 2024.

Si Yulo ay ikalawa lamang na Filipino athlete na nakakuha ng gold medal sa Olympics, matapos kay weightlifter Hidilyn Diaz, na nagdala ng unang gintong medalya noong 2021 Olympics sa Tokyo.


Si Yulo ay two-time world champion at multiple Southeast Asian Games at Asian Games gold medal winner.

Ayon sa kanyang ama, dugo at pawis ang ipinuhunan ni Yulo sa apat na taong pagsasanay.


Ani Yulo: “I’m so overwhelmed. I’m feeling grateful for having this medal and for God. He protected me, as always… He gave me the strength to get through this kind of performance and perform this well.”


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like