Latest News

Patuloy na nagsusuot si Mayor Honey Lacuna ng facemask lalo na sa mga saradong lugar at maraming tao dahil aniyan patuloy pa rin sa pagtaas ang COVID cases sa Maynila. (JERRY S. TAN)

HEALTH PROTOCOLS VS COVID, TULOY DAHIL SA MATAAS NA BILANG NG KASO — M AYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Sa kabila ng pagdeklara ng World Health Organization ng pagtatapos sa COVID-19 bilang isang public health emergency, pinayuhan pa rin ni Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynila na patuloy na ipatupad ang mga nakasanayang pag-iingat sa gitna ng patuloy na tumataas ng bilang ng COVID cases sa lungsod.

“Continue wearing your facemasks especially when indoors, observe physical distancing and regular washing your hands.” paalala ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente, lalo na sa mga nagtatrabaho indoors,

“Isang paalala lang po sa ating lahat. Bagamat wala na pong state of public health emergency na idineklara ng World Health Organization, patuloy pa rin po nating hinihikayat ang lahat, na patuloy nating sundin ang minimum public health protocols,” ani Lacuna.


Partikular na ipinayo ito ni Lacuna sa mga kawani ng Manila City Hall, na humaharap sa mga walk-in individuals araw-araw sa loob ng kani-kanilang opisina.

Maliban sa karaniwan ng protocols ng pagsusuot ng facemasks, physical distancing at regular na paghuhugas ng kamay, nanawagan din ang alkalde sa mga empleyado ng City Hall na iwasan muna ang pagkain nang sabay-sabay dahil isa din ito sa dahilan ng pagkakahawa-hawa.
.
“Alam ko po, sabik na sabik kayo sa inyong mga kasamahan pero kung kaya naman ninyo, magsolo muna sa pagkain muli. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lungsod,” ani Lacuna , na ang batayan ay ang mga ulat na ipinadadala sa kanya ng mga ospital at tanggapan ng pamahalaang-lokal na may kinalaman sa pag-monitor ng COVID cases.

Samantala, muling hinikayat ni Lacuna ang lahat ng mga kawani ng City Hall na hindi pa nakaka-kumpleto ng kanilang primary at booster shots na magpunta sa city government employes’ clinic (CGEC) at magpaturok na ng bakuna para sa kanilang proteksyon.

Binigyang-diin ni Lacuna na ang tumataas na bilang ng mga may COVID sa lungsod ay base lamang sa mga sumailalim sa RT-PCR tests at di pa kasama sa bilang ang mga nag-antigen test lamang.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read